Advertisers
NAGWAKAS ngayon sa piitan ang isang lalaki na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad makaraang masangkot umano sa pamamaril na ikinasawi ng anak ng isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang taon sa Baguio City
Sa ulat kay NBI Director Jaime ‘Jimmy’ Santiago, nakilala ang suspek na si ‘Garcia’ na umano’y akusado sa pagpatay sa 27-anyos na biktima na si Luke Maraneg, isang law student at anak ni NBI agent Dickson Maraneg, na taga-Baguio City.
Si Garcia ay mayroong Outstanding Warrant of Arrest for Murder and Attempted Murder na inisyu ng RTC Branch 78, Baguio City. Siya ang nadakip ng mga operatiba ng NBI sa loob ng isang apartment sa Purok Wakas, Barangay Mambog, Malolos City, Bulacan noong Pebrero 14,2025
Ayon kay Santiago, Nobyembre 24,2024 bandang ala-1:30 ng umaga, nang barilin ni Garcia si Maraneg sa Happy Homes, Barangay Ferdinand, Baguio City, Gayunpaman, ibinunyag ng mga saksi na ang target ni Garcia ay si Gino Manolo Castillo Banta dahil sa nakaraang relasyon ng huli na kasintahan ng una , na naunang nakaipagtalik kay Banta.
Mula noon, nagtago si Garcia at lumipat sa ibat-ibang lugar sa loob ng Baguio City, Pangasinan at La Union base sa technical surveillance. Ang Task Force Garcia noon ay inorganisa ng NBI na binubuo ng mga ahente mula sa PAMDO, TID,IRO,CAR at DADO.
“Walang kasaysayang pagpatay kundi itong suspek ay allegedly ay nagselos sa kanyang girlfriend at isang ‘Banta’ [kaibigan ng biktima] na inabangan niya,” sabi ni Santiago.
“Nadamay lang itong anak ng ating ahente na graduating ng law at that time. Hindi naman napuruhan ‘yung talagang target niya,” dagdag ni Santiago.
Bukod sa pagseselos, lumabas sa imbestigasyon na personal na kakilala ng suspek si Banta na hiningan pa niya ng tulong bago ang krimen.
“Nagkaroon ng previous traffic violation itong akusado wherein he sought the assistance of Banta to help him. So since nasa college of law si Banta and the late Luke, they help secure [affidavit of loss] with Luke who is working at a law office,” sabi ni Diogenes Gallang, agent-on-case.
“Aside sa pagseselos, may nakuhang basura [drugs] at pera itong si Banta kaya siya naging primary target,” dagdag niya.
Napag-alaman din na dati nang nakulong ang suspek dahil sa ilegal na droga.
Pero itinanggi ng suspek ang mga paratang at sinabing idiniin lang siya ng kanyang kaibigan matapos hiramin ang kanyang sasakyan.
“Hindi po ako ang pumatay. Tinago ko lang ‘yung sasakyan. Si Banta [ang pumatay],” depensa ng suspek.
“‘Yung isang supposed victim ay buhay. Nakilala siya at pati ‘yung babaeng kasama dun, nakilala siya, tinuro siya. So hindi magkakamali ang identity kung sino ang gumawa ng krimen,” sabi ni Santiago.
Nahaharap ang suspek sa mga reklamong murder at attempted murder. (JOJO SADIWA)