Advertisers
Talk Archie Liao
SA isang interview sa vlog ni Dolly Anne Carvajal, nausisa si Cesar Montano tungkol sa romansa ni Sunshine Cruz at nobyo nitong si Atong Ang.
Natanong siya sa kanyang reaksyon na finally ay umamin na ang lovebirds sa kanilang pagiging magdyowa.
Ayon sa award-winning actor, happy daw siya para sa dalawa.
Aniya, sinasabi raw niya ito nang walang kaplastikan o may halong showbiz.
Tinanong din siya ng interviewer kung ano ang mensahe niya sa magnobyo.
Pagbibiro pa niya, wala raw siyang ibig sabihin kay Atong maliban sa gusto raw niya itong utangan.
Pwede rin daw na ipadala sa kanya nito ang ayuda thru GCash.
Kinol pa niya ang atensyon ni Atong na umano’y malapit niya itong kaibigan way, way back.
Dati na raw kasi silang nagbo-bonding ng businessman sa isang Italian diner sa inuman at kantahan.
Katunayan, alam daw niya ang paborito nitong awitin na pinasikat ng isang pamosong British singing group samantalang ang kanya raw naman ay ang “You Are My Sunshine.”
Clueless naman siya sa sinabi ng interviewer na binigyan ni Atong ng mamahaling kotse ang kanyang ex wife.
Hirit pa niya na may halong pagbibiro, sana raw ay idamay na siya sa blessings na natanggap ni Shine sa kanyang lover.
Sey pa niya, di rin daw niya bet na makialam sa dalawa dahil two consenting adults na ang mga ito na may sarili nang desisyon at disposisyon sa buhay.
Kung hahantong daw naman sa kasalan ang relasyon ng dalawa, aniya, karapatan daw nila iyon dahil more than anybody else, deserved daw nilang lumigaya.
Solb na raw siya kung maimbitahan siya sa wedding ng mga ito.
Sa ngayon, mas gusto pang payabungin ni Cesar ang kanyang spiritual life.
Thankful din siya na lahat ng unos na pinagdaanan niya sa buhay ay smooth-sailing na ang relasyon niya sa kanyang mga ex at mga anak.
Sa ngayon, may bagong baby ang aktor which is a food business na nagse-serve raw ng mga katakam-takam na mga putahe.
***
PPO magkakaroon ng makasaysayang nine city UK tour
MAGKAKAROON ng makasaysayang nine city tour sa United Kingdom ang pamosong Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), ang premier orchestra ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Magtatanghal sila sa baton ng internationally acclaimed Maestro Grzegorz Nowak, sa tanyag na concert halls sa Britanya ngayong Mayo.
Ito ang schedule ng kanilang tour.
UK Tour Schedule:
• May 13 – Bristol Beacon, England
• May 14 – Cadogan Hall, London
• May 15 – Symphony Hall, Birmingham
• May 16 – G Live, Guildford
• May 18 – Theatre Royal, Norwich
• May 19 – Bridgewater Hall, Manchester
• May 21 – City Hall, Sheffield
• May 22 – St George’s Hall, Bradford
• May 24 – Perth Festival, Scotland