Advertisers

Advertisers

Fans inaabangan ang pagbabalik ni Kris sa showbiz

0 20

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KAHIT simple ay naging memorable para kay Kris Aquino ang pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong February 14, na nagkataong Valentine’s Day din.

Dinagsa siya ng mga regalo, flowers, stuffed toys at iba pa muila sa mga nagmamahal sa kanya.



” I want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all- I thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery,” caption ni Kris sa kanyang IG account.

Abangers naman ang mga faney ni Kris kung kailan ba talaga siya babalik sa trabaho. last year kasi ay nasabi niya na baka makaya na niyang bumalik sa telebisyon pero hindi yun nangyari. Naiintindihan naman ‘yun ng kanyang mga taga suporta dahil sa pabagu bago ding lagay ng kanyang kalusugan.

Sa post naman ng malapit niyang kaibigan na showbiz writer na si Dindo Balares , sinabi nitong sinubukan na raw ni Kris na magbalik sa trabaho. Pero kasunod daw nito ay nag-bed rest si Kris for 3 days.

Hindi na siya nagsabi pa ng detalye kung ano ang work na ginawa ni Kris at hindi naman daw siya pwedeng magbigay ng details.

The fact na lang na kinaya ni Kris na mag-work kahit isang araw ay napakagandang senyales nito. Na ibig sabihin ay bumubuti na siya talaga.



Dasal ng kanyang mga fans na sana nga ay magtuluy-tuloy na ang magandang pakiramdam ni Kris.

***

HEAVEN BINABANGUNGOT KAYA LUMIPAT NG CONDO

SA isang panayam sa aktres na si Heaven Peralejo, ikinwento niya na may weird na karanasan daw siya noong nakatira pa siya sa dati niyang condominium. Gabi-gabi raw kasi siyang binabangungot. ‘Yung tipong sumisigaw raw siya kapag nagigising, tapos parang naninigas daw yung kanyang mga paa. Tinatanong nga raw niya ang kanyang sarili kung bakit nangyayari yun sa kanya.

Kaya naiinis daw Heaven, kasi hindi raw talaga siya makatulog na mag-isa, baka raw kasi bangungutin na naman siya. So, ang ginawa rg aktres, pinatingnan niya sa kanyang lola na may third eye ang kanyang condo, at ang sabi raw nito sa kanya ay may isang lalaking nakatayo sa gilid ng kanyang kwarto.

Sa corner nga raw ng kanyang room, kung saan siya nakaharap, nadoon daw ‘yung lalaki na nakatingin sa kanya. So after nalaman niya ‘yun, tumaas daw ‘yung kanyang mga balahibo.

At ayun, nag-decide na siyang umalis sa kanyang condo at lumipat na lang sa iba.