Advertisers
ISANG bangkay ng bagong libing na 82-anyos na babae ang naiulat na ninakaw mula sa libingan nito sa isang public cemetery sa Albay.
Ayon sa ulat, isang sepulturero ang nakakita sa butas na nitso. Agad itong ini-report ng barangay ng San Isidro sa kapulisan.
Sa report, kabaong na lamang ang natagpuan sa loob ng nitso, wala ang bangkay.
Napag-alaman na nitong Sabado, Pebrero 15, lamang inilibing ang patay.
Kinalaunan nahanap din ang mismong bangkay na tinatayang nasa 100 metro ang layo mula sa nitso nito.
Lumalabas sa imbestigasyon na tila kinaladkad ng salarin ang naturang bangkay.
Nagtamo rin ng galos sa mukha ang bangkay at natuklasang nawawala ang panty nito.
Dinala na ang bangkay sa punerarya at plano ng mga kaanak nito na isailalim ito sa autopsy.