Advertisers

Advertisers

4 patay, 13 sugatan sa salpukan ng van at trak

0 10

Advertisers

NASAWI ang apat katao at 13 ang nagtamo ng malubhang sugat sa katawan sa salpukan ng passenger van at pick-up truck sa Barangay Apopong, General Santos City nitong Linggo, February 16, 2025.

Kinumpirma nitong Lunes ng mga opisyal ng General Santos City Police Office at ni Brigadier General Arnold Ardiente, director ng Police Regional Office-12, ang pagkasawi sa insidente ng driver ng van na si Rasol Angkob Adam, 56 anyos; at mga pasaherong sina Mambai Adam Dimaraw, 66; Mona Butuan Salilaguia, 62; at Bai Intan Abdullah, 30.

Sa ulat ng mga imbestigador ng General Santos City Police at ng barangay officials na nag-responde sa insidente, nasalpok ng van na patungong Cotabato City, may plakang NDC 5940, ang pick-up truck nang itong lumihis at nagawi sa kaliwang linya ng highway sa Barangay Apopong.



Nagtamo ng maselang na mga sugat at mga pasa sa katawan ang driver ng pick-up truck (LAM 1506), si Harvey Ngalon Collado, 36, at ang kanyang apat na kasama na lahat ay mga malapit niyang kamag-anak. Sila ay dinala sa isang hospital sa General Santos City.