Advertisers
PINAIIMBESTIAHAN ang isang police auxiliary nang sikmuraan nito ang nakaposas na magnanakaw sa Davao City.
Aminado naman ang naturang pulis sa pananakit sa magnanakaw, at dumipensang nauna raw siya nitong sinuntok.
“Pagkahawak ko sa kaniya, pagkaharap niya sa akin, sinuntok niya ako sa may pisngi, nakaiwas ako. Lumapit ako sa kaniya, sabi ko ‘Bakit mo ako sinuntok?’ Sinagot ako nang pabiro. Tumawa lahat ng nakapalibot sa akin. Nainsulto rin ako. Sa galit ko, nasuntok ko siya,” wika ng police auxiliary.
Nasakote ng pulisya ang lalaki na nagnakaw umano sa labas ng isang ospital.
Samantala, humingi na ng tawad ang naturang pulis na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Damay rin sa imbestigasyon ng pulisya ang dalawa pang pulis na saksi sa pananakit, ngunit hindi raw umawat ang mga ito.