Advertisers

Advertisers

HD Spikers puntirya ang No. 3 seed vs. Chargers

0 4

Advertisers

PUNITIRYA ng Cignal ang kanilang ikatlong sunod na tagumpay upang patibayin ang kanilang kapit sa No.3 seed kapag nakaharap ang Akari Martes sa qualifying round ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ang HD Spikers, na kasalo sa third place ang Choco Mucho Flying Titans a 7-3, ay makakalaban ang Chargers alas 4 ng hapon.

Ang HD Spikers ay maangkin ang No.3 spot kapag nagwagi na may advantage sa points (22-17) laban sa Flying Titans.



“Our mindset in the last game is we need to get that win so that we can have an advantage for the placing in the preliminaries and then we just go back to training and just work because no one else will work in the game but us, players, who follow the coach,”Wika ng rookie sensation Ishie Lalongisip.

Lalongisip ay nagrehistro ng career-high 20 points on 18 attacks at two aces sa panalo ng Cignal Cignal’s 25-18, 25-22, 21-25, 25-11 laban sa ZUS Coffee nakaraang Linggo.

Vanie Gandler, Jacqueline Acuña, Roselyn Doria-Aquino at ace setter Gel Cayuna ay inaasahan rin na kuminang para sa HD Spikers, na tinapos ang a two-game slump sa iskor na 25-12, 25-15, 25-17 wagi laban sa Capital1 Solar Spikers noong Pebrero 6.

Samantala,Akari (5-5) ay susubukan na makaganti mula sa kanilang 21-25, 25-19, 23-25, 15-25 pagkatalo sa Choco Mucho noong Pebrero 8.

Faith Nisperos, Ivy Lacsina, Eli Soyud, Fifi Sharma, Erika Raagas, Kamille Cal at Camille Victoria banderahan ang Chargers, na tabla sa Chery Tiggo Crossovers sa sixth place sa 5-5.



Sa panaglawang laban alas 6 ng hapon, Farm Fresh (4-6) ay aasa kina Trisha Tubu, Caitlin Viray, Aly Bertolano at Jolina dela Cruz kapag nakaharap ang Capital1.

Habang ang Capital 1 ay sasandal kina Shola Alvarez, Des Clemente-De Guzman, Trisha Genesis, Jorelle Singh, Rovena Instrella, Patty Orendain at Leila Cruz.