Advertisers

Advertisers

Gilas ipit at lusot!

0 7

Advertisers

Naipit ang ilang miyembro ng Gilas sa elevator sa kanilang hotel sa Doha.

Mabuti at hindi nagtagal at nailabas sila ng isang staff. Naipost sa social media ni Calvin Oftana ang karanasan ilang oras pa lang ng kanilang pagdating sa siyudad. Nsndoon sila para lumahok sa 2nd Doha International Cup.

Kabilang sa mga nakulong sa lift ay sina JuneMar Fajardo, Dwight Ramos, CJ Perez, Mason Amos, Kevin Quiambao at AJ Edu.



Natawa lang mga player nang ma-rescue sila sa pagitan ng dalawang palapag. Panay pa biro ni Perez.
Nagdududa tuloy si Pepeng Kirat sa pangyayari.

“Hindi kaya sinadya yan ng mga host dahil sila unang kalaban ng mga Pinoy sa torneo,” wika ni Pepe.

Posible at dapat magkaroon ng imbestigasyon diyan. Noon sa isang laro ay naligaw ang team bus papunta sa playing venue. Pwedeng nagkataon nguni’t mabuti na rin ang naninigurado. Hehe.

Mabuti sa unang laban ay nagwagi sila sa host team. Nakahabol ang mga kababayan sa 4th quarter upang makalamang sa dulo 74-72.

***



Tama ang attitude ng Laker rookie na si Dalton Knecht. Wala pa kasing isang taon sa NBA ay na-trade na siya kaagad Siya hiniling ng Charlotte sa LAL kasama si Cam Reddish at isang first round pick kapalit ng 7 footer na si Mark Williams. Kaso na-rescind ng Los Angeles dahil hindi pumasa ang sentro sa kanilang physical exam.

Hayun balik purple and gold si Knecht. Nang kunausap siya nina Coach JJ Reddick at GM Rob Pelinka ay mabilis na tumugon ng play ball lang siya at naunawaan ang business angle.

Maganda naman ist gamez bilang Laker ulit at ipinamalas sa All-Star Weekend.

Ayon kay Tata Selo ay malayo mararating ng baguhang ito sa NBA.

***

Sa Lunes ay matatanong natin si Eugene Torre sa sikreto ng kanyang tagumpay sa chess. Malalaman din natin kaniyang opinion kung bakit umaalis ng Pinas ang katulad ni Wesley So. Bisita kasi natin si Torre sa OKS@DWBL sa ika-24 ng buwan kasalukuyan. Hatid ng Biofresh ang 11 taon na programa sa radyo na mayroon ding streaming sa YouTube at Facebook Live.