Advertisers

Advertisers

‘Wag sumawsaw sa pulitika” – Mayor Honey

0 17

Advertisers

“BE apolitical.”

Ito ang seryososng paalala ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng regular na kawani ng Manila City Hall, sa pagsisimula ng campaign season sa national habang papalapit naman ang local.

Sa kanyang mensahe sa regular flagraising ceremony sa Kartilya ng Katipunan, hinikayat ni Lacuna ang mga kawani ng pamahalaan na regular o may permanenteng items upang pangalagaan ang kanilang posisyon sa hindi pakikisali sa partisan politics.



“Gusto ko pong paalalahanan ang bawat isang kawani, lalo na po ang mga may hawak ng permanent item. Pumasok na po ang campaign period ng national elections at sa ilang linggo ay magsisimula na din ang campaign period ng local elections. Lagi po nating isaisip na bilang mga permanent na kawani ng lungsod ng Maynila o kahit na anong lungsod, mahigpit po nating ipinapaalaa sa inyo na dapat tayo po ay apolitical,” ayon sa alkalde.

Sinabi ni Lacuna na sa kabila na may pinili ng kandidato ang bawat isa sa national at local elections, dapat ding itanim ng mga ito sa kanilang isipan na bawal silang mangampanga o ikampanya ang isang empleyado.

Binalaan din ng lady mayor ang mga kawani na gamitin ang social media upang ikampanya ang kanyang kandidato, dahil manganganib ang kanyang posisyon sa gobyerno.

“Bawal po ‘yun. Hindi naman po bawal na ipahayag ang damdamin pero mag-ingat po kayo. Paalala lang po ito sa bawat isang kawani ng pamahalaang-lungsod. Mag-ingat po kayo lalo na sa social media kasi minsan, hindi po natin mapigilan ang ating sarili na ipahayag ang ating mga kagustuhan pero dapat ay proteksyunan ninyo ang inyong posisyon sa pamahalaan,” giit ni Lacuna. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">