Advertisers

Advertisers

ANDI BINISITA NG GRANDPARENTS NA SINA EDDIE AT ROSEMARIE SA SIARGAO

0 13

Advertisers

Ni Beth Gelena

BINISITA si Andi Eigenmann ng kanyang grandparents na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Biglaan ang pagbisita ng old celebrity couple sa Siargao island na ikinagulat ng aktres.



Sa Instagram ay ibinahagi ni Andi ang ilang snaps ng pagbisita ng kanyang grandparents sa Siargao kasama ang half sister na si Stevie Eigenmann.

Sa larawan ay makikitang nag-eenjoy sina Rosemarie at Eddie habang nagsi-swimming sa pool kasama ang mga apo na sina Ellie, Lilo at Koa.

“Not to overshare, but I was ecstatic that my grandparents finally got to come visit Siargao all the way from the States, after 7 years of me living here,” ani Andi.

Si Eddie, ang family patriarch ay dating famous actor at singer nung ’70s kung saan siya ang Elvis Presley ng Pilipinas.

Samantalang ang misis na si Rosemarie ang best known for her portrayal of rich socialite-villainess roles sa TV man o pulitika.



***

JESSA ZARAGOZA TINAMAAN NG INFLUENZA

TINAMAAN ng influenza si Jessa Zaragoza.

Halos mapaiyak umano siya at pabirong napakanta ng “Parang Di Ko Yata Kaya” dahil sa tindi ng ubo

“Napakanta na talaga ako ng ‘Parang Di Ko Yata Kaya.”

Sa matinding trangkaso matapos makaranas ng upper respiratory infection at pagkawala ng boses hindi na raw talaga niya kaya ang matinding pananakit ng katawan. Halos mapaiyak nga raw siya sa sakit na nararamdaman.

Nagpasalamat siya sa kanyang pamilya, kaibigan, at mga doktor na tumulong sa kanyang paggaling habang nagpaalala sa publiko na pahalagahan ang kanilang kalusugan.

***

BARAKO FEST NASA IKATLONG TAON NA

PANGATLONG taon ng selebrasyon ng Barako Festival sa Lipa City.

Kahit kainitan ng araw ay hindi ininda ng pamilya ni Ate Vi ang magmotorcade at mag-cut ng ribbon sa mga nagsponsor para sa festival.

Sadyang lumalawak na nga ang kanilang Barako Festival na very proud nilang ipinapakilala sa buong mundo na ito ay tanging sa Batangas lang matatagpuan.

Personal na sinuportahan ng team ng nagbabalik na maging ina ng Batangas na si Governor Vilma Santos-kasama ang dalawa niyang anak na sina Luis Manzano at Ryan Recto kung saan runningmate ni Ate Vi bilang Vice Governor ang TV host na si Luis at si Ryan naman na tumatakbong Congressman sa Lone District ng Lipa.

Kilala ang Batangas sa kanilang produkto, ang kapeng barako na sa kanilang lalawigan lang matatagpuan.

Kinuha na rin ng team ni Ate Vi para sa 2025 Election na ipakilala ang kani-kanilang sarili na halos ang lahat ay mga Batanggenyo.

Iisa ang adhikain ng Barako Festival.

Ibig nilang mas napaunlad ang festival para maging puntahan ng mga turista.

Binanggit ng mga tatakbo sa pulitika ang proyekto na maging mabilis na ang pagbabyahe ng pupunta sa kanilang lalawigan.

May ginagawang daan na kung tawagin nila ay bypass road.

Pinagamamalaki nila na magiging mabilis na ang byahe papuntang tagaytay once na natapos ang kanilang bypass road project.

May nagtanong kay Ate Vi hinggil sa political dynasty pero hindi ito in-entertain ng aktres-pulitiko.

Pero si Luis ay magandang explanation.

Aniya, may political dynasty na maganda ang inention para sa mga taong bumoboto, pero meron daw naman talaga na may hidden agenda para sa kanilang sarili o pamilya.

First time na tatakbo sa pulitika ang TV host, pero makikitang sanay na siyang humarap sa kanilang constituents.

Natuto na rin siya dahil matagal nang bukas sng kanyang mga mata because of his mom Star For All Seasons at sa Tito Cong. Finance Secretary Ralph Recto.

Maging si Ryan ay unti unti na ring natutong makisalamuha sa mga tao.

Kung dati ay Englisero si Ryan ngayon pinipilit niyang laging magsalita ng Tagalog.

Sabi nga ni Ate Vi, “sa bahay pinagbabawal namin ang pagsasalita ng Tagalog.’

Ang pangako ni Ate Vi kapag nailuklok siyang muli bilang ina ng Batangas, mas lalo nilang pagiibayuhin na mai-push thru ang Barako Festival nang mas maraming turista na pumasok sa kanilang lalawigan.