Advertisers

Advertisers

Karylle ayaw tantanan sa buntis isyu

0 9

Advertisers

Ni Archie Liao

SA isang podcast, buo ang loob na sinagot ni Karylle ang hindi mamatay-matay na isyu ng kanyang pagbubuntis.

Aniya, maraming beses na raw siyang natsismis na preggie.



Gayunpaman, tahasan niyang pinabulaanan ang kumakalat na tsika.

Ibinahagi rin niya ang kanyang naging karanasan nang magpunta siya ng Singapore kamakailan.

Isang kakilala raw niya ang nag-congratulate sa kanyang diumano’y pagbubuntis.

Nang itanggi raw niya ito, hindi naman siya gustong paniwalaan ng kanyang kausap.

Sa naturang tsikahan, naisangguni rin niya sa abogadong panauhin at dating BIR Commissioner Kim Henares kung ano ang puwede niyang magawa sa pagkalat ng fake news.



Ipinagkibit-balikat naman ang isyu ng kanyang guest at sinabing hindi raw naman nakakasira ng puri ang nasabing kasinungalingan considering na may asawa naman siyang tao.

Sang-ayon naman si Karylle na she has nothing to lose except for a little peace of mind.

Hindi naman nagbigay ng paliwanag ang singer-actress at “It’s Showtime” host kung bakit hanggang ngayon ay wala pa silang baby ng mister na si Yael Yuzon.

Ito naman ang mga komento ng netizens.

“Bugbog na sa buntis isyu si Teh.”

“Kung nagbuntis siya, ilang beses na siyang nakunan.”

“May pagbabanta ba si sesh dahil mega konsulta na siya sa isang abogado.”

“She has nothing to lose kasi married naman siya.”

“Excuse me. Fake news is fake news. You can not justify that.”

“Makiki-marites lang. Bakit nga ba wala pa silang anak ni Yael?”