Advertisers

Advertisers

Tony kinumpirma, halik ni Herlene lasang Japan

0 19

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

UNANG beses na gumawa ng isang proyekto si Tony Labrusca sa GMA at ito ay ang Herlene Budol starrer na Binibining Marikit.

Ano ang reaksyon ni Tony nang payagan siya ng Star Magic na gumawa ng show sa GMA?



“Meant to be, meant to be,” bulalas ni Tony.

“Kasi puwede naman sila mag-no e, puwede silang humindi, ire-respect ko naman yung mga boss ko.

“Pero since um-okay sila, then you know, I think si Lord na yun, hindi ba?”

So, what if magtuloy-tuloy ang offers ng GMA sa kanya?

“I mean, that all sounds nice, di ba?



“Pero ang point ko lang is, parang gusto ko muna i-focus yung energy ko dito [Binibining Marikit], kasi parang…I’m sorry if this comes off too strong, ako kasi yung mapapahiya kung ang dami mong sabihin ngayon about those questions, you know?

“Because if it happens or if it doesn’t happen, parang ayaw ko kainin yung sasabihin ko ngayon.

“Kaya sa ngayon, really grateful and blessed na binigyan ako ng project na ‘to, that I was even thought of in the first place here in GMA and super happy that nag-align lahat ng stars na natuloy yung project.”

May kissing scene sila ni Herlene sa Binibining Marikit; ano ang lasa ng halik na Herlene?

“Lasa talaga? Oh my gosh. Lasa? Lasang Japan. Ha! Ha! Ha!”

Sa Japan sila nag-taping ng kissing scene nila.

“Si Herlene, ano siya, matagal ko na siyang gustong makatrabaho kaya blessing din ‘to para sa akin.”

Bakit?

“Unique siya e. Unique si Herlene, sino bang ayaw na makatrabaho siya?

“Parang sa industriya na ‘to, siya yung isa sa standout e. Nung nakita ko siya, feeling ko…ewan ko may something lang, feeling ko mabuting tao, alam mo yun?

“Na yung solid kumbaga, so puro lang magaganda ang masasabi ko about Herlene, and with the kiss, ano, I hope naman that I can leave some of you guys room for imagination naman.

“So sana mapanood niyo yung eksena para…”

Pero in-expect niya ba na ganoon ang personality ni Herlene?

“Yes. Katulad nga nung sinabi ni Mamang, what you see is what you get and so ngayon, masaya ako na ma-confirm ko nga na kung ano yung nakikita niyo kay Herlene.

“Ganoon lang talaga siya. Wala, she has no bad intentions.”

Si Mamang ay si Pokwang na co-star nila ni Herlene sa Binibining Marikit gayundin ang model-turned-leading man na si Kevin Dasom, Almira Muhlach, Thea Tolentino, John Feir, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at Cris Villanueva.

Sa direksyon ni Jorron Lee Monroy napapanood ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV.