Advertisers
Ni Archie Liao
PINAG-uusapan ngayon ang isang TikTok video kung saan nagsasayaw sina Jak Roberto at Jackie Gonzaga to the tune of “Let’s Groove” ng Earth, Wind and Fire.
Katunayan, may mga kinikilig sa kanilang bagong tambalan na nabuo nang magpasampol sila ng kanilang dance moves sa “It’s Showtime.”
Hirit pa ng netizens, bagay daw at may chemistry ang dalawa.
Mapapansin ding chill lang si Jak sa paghataw na parang hindi ininda ang naging hiwalayan nila ng ex na si Barbie Forteza.
Sey pa ng mga nang-iintriga, ano raw kaya ang reaksyon ni Barbie sa closeness ng dalawa?
May mga nang-uurot din na may ‘tulog’ daw si Darren Espanto kay Jak lalo pa’t dati namang sila ang pinagshi-ship ni Jackie sa nasabing noontime show.
Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“In fairness, may chemistry sila.”
“Grabe ang kilig ko.”
“May shippers sila. Mukhang type ng guy si girl kasi maputi rin, sexy at magaling sumayaw. Ganun din ilan sa katangian ng ex niya.”
“Obvious na kinikilig si Jackie kay Jak.”
“Si ate girl mukha naman game since single naman. Puwede rin parang same level sila”
“Aguy! Aguy! Parang takam na takam si Boy. Pareho naman yatang single… so ?????”
“Parang kailangan pa ni Jak na magpractice sumayaw”
“Paano na si Darren?”
“Maglabas na rin ng abs si Darren.”
“Jack and Jackie. Ganda ng rhyme. Bagay.”
“For the views ba ito or for the show?”
“Darren, magpapahuli ka ba kay Jak?”
Si Jackie ay una noong isini-ship sa kanyang” It’s Showtime ” co-host na si Darren Espanto.
****
MTRCB binigyan ng PG ang “Captain America: Brave New World” at iba pang pelikula – Swak para sa pamilya at kabataang Pilipino
BINIGYAN ng PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang superhero film na “Captain America: Brave New World” ng Marvel Comics.
Pinagbibidahan ni Anthony Mackie bilang Sam Wilson, ang bagong Captain America ang ika-35 edisyon ng pelikula sa ilalim ng Marvel Cinematic Universe (MCU).
Tulad ng lahat ng PG-rated na pelikula, nagpaalala si MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio sa mga magulang at nakatatanda na “ang mga edad 12 at pababa ay kinakailangan ng gabay ng magulang o guardian sa panonood para sa tamang paggabay.”
Kabilang sa mga pelikulang binigyan ng PG rating ngayong linggo ay ang mga sumusunod:
“Ex Ex Lovers” – Ang pagbabalik tambalan ng dating onscreen partners na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
“Paquil” – Tungkol sa pananampalataya, kultura, at pagbabalik-loob na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales at JM de Guzman. Kuha ang mga eksena sa makasaysayang bayan ng Pakil, Laguna.
“Bridget Jones: Mad About the Boy” – Mula sa nobela ng kilalang peryodista at nobelista na si Helen Fielding.
“Buffalo Kids” – Isang Spanish animated na pelikulang angkop para sa mga bata.
Ang mga pelikulang ito, tiyak na magbibigay aliw sa mga manonood partikular ngayong Valentines, swak din para sa pamilyang Pilipino na makapag-enjoy.
Hinikayat naman ni Sotto-Antonio ang mga magulang at guardians na maging responsableng manonood at sinabing, “Sa pamamagitan po ng tamang paggabay natin sa mga bata pagdating sa angkop na pagpili ng mga panoorin, matutulungan natin sila na mas maintindihan ang mga tema na ipinapalabas habang ini-enjoy ang bawat kwento kasama ang pamilya.”