Advertisers

Advertisers

Barako Fest pinagmamalaki ng Batangas –Vilma

0 23

Advertisers

Ni Jimi C. Escala

ISANG punung-puno ng sigla ang dinatnam naming Vilma Santos nang maimbitahan kami sa pangatlong taon na ngayong Barako Fest na ginanap sa Batangas City.

Very energetic at talaga namang hindi makikita sa Star for all Seasons na isa na siyang senior citizen, huh!



Kaya may mga nagmamahal sa premyadong aktress na nagwo worry sa health niya.

Hindi ba natatakot si Ate Vi sa lumalaganap ngayong sakit at kadalasan ang mga nadadale ay mga kasing edad niya?

“ Well nagkaroon din naman ako ng mild na sipon at ubo pero ang nadale at naospital si Lucky,” kasagutan ni Ate Vi, huh!

Dagdag pa ni Ate Vi nang makausap namin siya after ng Barako fest conference ay hindi naman daw talaga maiwasan na madapuan ng sakit lalo na yung usung uso ngayon na ubo’t sipon.

“Sa araw araw at sa dami ng tao na nakasalamuha namin… maraming nayayakap, nkikipagbeso beso, kumbaga dinudumog ka talaga nang husto.



“Ang sabi nga sa akin na dapat daw naka mask ako sa mga ganyang pagkakataon pero hindi naman pwede yun.

“Bahala na pero need naming maibalik sa mga tao ang tiwala nila, para sa akin priceless yun,” lahad pa ng premayadong aktres.

Ipinagmamalaki naman ni Ate Vi na isa siyang senior citizen kaya ganun na lang ka ingat ang pangangalaga ng aktres sa katawan niya, huh!

“At my age. I do a lot of exercise, inspite of my hectic schedule, at kung nakaramdam na ako ng pagod, I rest.

“ And I really thank God, because of my daily exercises, kahit papaano nakatulong yun sa heath ko.

Kasi pag pagod ka na take time to rest and you must know how to care of health,” banggit pa ng nag iisang Star for all Seasons.

***

MALAKING tulong at nakahandang tumulong nang husto si Ate Vi para sa taunang Barako Fest spearheaded by Mentorque produ na si Sir Bryan Dy.

“ Kaya I’m asking all to help us promote our Barako Fest kasi isa ito sa ipinagmamalaki ng Batangas. Barako sa Batangas yan,” sey pa ni Gov. Vi.

Lahad pa ng walang katalo talong nagbabalik gobernadora na ang tanging hangad daw nila ay makatulong na mapaunlad hindi lang ang turismo ng Batangas kundi para rin sa trabahong papasok sa mga constituents nila.

“ Punong puno ang mga hotels ngayon namin dito. Yun ang mga gusto kong i-enhance habang tumatagal ang Barako fest na pangatlong taon na namin ngayon.
“Looking forward na aabot pa ng maraming taon ang Barako fest at makatulong nang husto sa mga Batanguenos,” sambit pa rin ng walang kakupas kupas na aktres .

Speaking of Barako, paano naipakita ni Ate Vi na isa siyang Barako?

“Alam nyo siguro ako minahal ng mga taga Batangas dahil ako’y may isang salita. Pag yes, yes sa akin, kumbaga pag meron, meron silang maaasahan. Word of honor kumbaga.

Pag sinabi ko na may aasahan sila 100 percent deretso kong ibibigay sa kanila yun pero kung wala, sasabihin kong wala muna ngayon baka sa susunod na taon pwede na,” deretsahang sabi pa ng the longest reigning movie queen.