Karla nagreak sa pambubugbog ng dating syota sa fiance; Jessy ok lang kay Luis kung may kahalikan sa serye
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BALIK-TELESERYE ang aktres na si Jessy Mendiola via Nobody mula sa ABS-CBN, na makakatambal niya si Gerald Anderson, at kasama rin sa cast si JC de Vera.
Hindi ito ang unang pagkakataon na magsasama sa serye sina Jessy at Gerald. Una silang nagkapareha sa sikat na serye noon ng Kapamiya network na Budoy, na gumanap si Gerald bilang autistic, at si Jessy naman bilang kanyang-best friend at love interest.
Sa naturang serye ay magkakaroon ng kissing scenes sina Jessy at Gerald. Pero okey lang yun sa mister ni Jessy na si Luis Manzano.
Ayon sa aktor-TV host, hindi naman daw siya magseselos. At napag-usapan na naman daw nila yun before pa ni Jessy.
Tinanong daw siya kasi siya ng misis, na kung halimbawang may offer sa kanya na may kissing scene o lovescene ay okey lang daw ba ito sa kanya.
Ang sagot daw ni Luis, kung sa tingin ng misis ay may fulfillment yun sa kanya bilang isang aktres ay tanggapin nito ang offer at okey lang ‘yun sa kanya.
O di ba, ganoon kalawak ang pang-unawa ni Luis, na naiintindihan niya si Jessy, na trabaho lang naman ang gagawin nito bilang isang artista at walang personalan? At siya rin naman kasi na bukod sa pagiging isang host, isa rin namang artista.
Nakausap namin si Luis sa ikatlong edisyon ng Barako Festival, na binuksan noong Huwebes (February 13) at nagtapos noong Sabado (February 15).
Hindi lamang pagdiriwang ng dekalidad na uri ng kape sa lalawigan ang ipinagdiwang sa Barako Festival, itinampok din dito ang mga nangungunang produkto ng bawat lungsod at munisipalidad at kung paano ito lumilikha ng mga trabaho at nagpapalakas ng lokal na ekonomiya.
“Ang mga hotel ay ganap na naka book. Laging puno ang mga restaurants. Wala nang mas maganda pa rito,” pahayag ni Bryan Diamante, pangulo at chief executive officer ng organizer na Mentorque Productions sa isang press conference.
Mga 250,000 bisita ang dumating sa bawat isa sa unang dalawang edisyon habang 500 maliliit na negosyo ang lumahok.
***
BIGLANG sunud sunod ang naging post ni Karla Estrada sa kanyang Tiktok na bihira naman niyang gawin. Hinala ng mga netizens ay simpleng reaksyon ito ng aktres sa isyu ng pambubugbog umano ng dating boyfriend na si Jam Ignacio sa fiancee na si Jellie Aw.
Kapansin-pansin din ang tila pang-iinis o pang-aasar ni Karla sa kanyang mga post.
Sa isa niyang post, sinabayan ni Karla ang audio ng kanta ni Nicki Minaj na “Itty Bitty Piggy.”
Maririnig dito, “I don’t even know why you girls bother at this point, like, give it up, it’s me, I win, you lose, ha ha ha ha”
Komento ng netizens, winner daw si Karla dahil nakaligtas siya sa dating bf sa pambubugbog. Sey pa ng isang netizen, nasa aktres daw ang huling halakhak.
Sa sumunod namang post ni Karla, makikita siyang nagli-lip sync ng kanta ni Jaya na “Wala Na Bang Pag-ibig?”
Habang kumakanta ang actress-TV host, nag-aayos siya ng buhok at tumatawa na tila nang-aasar.
Tumagal ng halos limang taon ang relasyon nina Jam at Karla, at napabalita ang kanilang breakup noong July 2024.
Matapos nilang mag-break, hindi sila nagsalita sa dahilan ng kanilang hiwalayan.