Advertisers

Advertisers

GAYAK NA

0 28

Advertisers

BUMABA na ang palakol. Tungkol ito sa rekomendasyon ng National Bureau of Investigation na kasuhan ng sedisyon at pagbabanta. Sa mga kasong hinaharap ng pangalawang pangulo, nangunguna ang pakikipagsabwatan upang patayin ang pangulo, unang ginang at ispiker ng Camara de Representante; katiwalian ukol sa P612.5 milyon confidential fund; bribery at korapsyon sa Department of Education (DepEd).

Kasama rin ang hindi maipaliwanag na pagyaman at pagkabigo na isiwalat ang mga datos tungkol dito; pagkadawit sa EJK at Davao Death Squad; at para sa inyong lingkod ang pinakamalala, ang balangkas ng destabilisasyon upang ibagsak ang kasalukuyang pamahalaan, sedisyon, at panggugulo. Maliwanag ang mga paratang kung dahil minarapat g NBI na matugunan ito. Matibay na patunay na hindi nagkakaisa ng mga kakampi at kasapakat ni Sara Duterte.

Batid ng inyong abang lingkod, na ginampanan ng Camara ang mandato nito batay sa Saligang Batas. Ginawa nila ang sinumpaang tungkulin at naigayak na ang lahat sa kanilang panig para sa paglilitis. Paano na ang kabilang panig? Mabagal at malamya ang kilos ng Senado sa isyu.



Diretsahan tayo: mas may bigat sa kanila ang pakikisama at pakikitungo at impluwensya. Pakisama para sa pangalawang pangulo. Tuloy pagdududa ko mandato sa kanila bilang mga halal na opisyal, kumbaga sa sabong kinakatigan ng kristo, upang itaas nito ang pakpak ang pato kaysa sa manok! At ang kanilang pagkatig, pagkakupad at pagka lembot-lembot ay hindi kailanman bubuti para sa kapakanan ng taumbayan.

Sa huli binabae, babakla-bakla ang Senado. Uulitin ko: makupad at babakla-bakla at binabae ang Senado kapag inihambing sa Mababang Kapulungan. Halatang halata ang kanilang ginagawa. Dahil sa napipintong halalan sa Mayo, karamihan sa kanila ay aligaga sa pagsuyo mga taong kukunan ng boto.

Ang mga nasa Senado ay walang inatupag kundi ang pag paganda ng kutis at kilay. Nakakahiya sila. Huwag na tayo maglokohan pa. Baguhin na natin at pumili ng mga lider na matino at may malasakit sa tao, huwag yung puro salita at ngawa. Huwag na silang bigyan ng pagkakataon na lansiin muli ang tao. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.

***

“NAPAKARAMI nang puwedeng mangyari sa limang buwan ng pagkaantala ng Senate trial. Let’s not be naïve – every day this trial is stalled, the threat to the President’s life grows, so is the ‘kill’ threat to the First Lady, Liza Araneta Marcos, and our own Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez. This is not just about legal technicalities; this is about ensuring the safety and stability of our country,” Ito ang sinabi ni TINGOG Partylist rep at Deputy Ispiker ng Camara Jude Acidre.



Ani Acidre: “We are not dealing with an ordinary elected official here. The Vice President has a history of brash and violent tendencies. She has made direct threats before, and we would be foolish to ignore the possibility that she may act on them”. Batid nga ng diputado ng Tingog ang panganib ng pag-iisip ni Sara Duterte.

Alam nila ang pagkakaroon ng isyu ang kanyang katinuan. Napaka -mapanganib ang panatilihin ang may isyu sa katinuan ang manatili sa napaka sensitibong posisyon. Ang pagiging pangalawang pangulo ay pagiging katuwang ng Punong Ehekutibo, sakaling hindi nito magampanan ang kanyang sinumpaang tungkulin. At ang presensya niya bilang pangalawang pangulo ng bansa, mistulang nasa loob ng manukan ang isang ulupong. Lubos na nababahala ang inyong lingkod.

Habang nananatili ang ganyang uri ng tao sa ating panunuhan, nananatiling naka abat ang mga ulupong tulad ng amang serial killer na dating pangulo. Wala na ang ulo ng ulupong, dapat tagpasin din ang anak nitong baliw, sampu ng kanyang uri.

***

Wika-Alamin:

ADOBONG KATUTUBO o ADOBONG LANTAY- Ito ang uri ng pagluluto ng adobo na masasabing sinauna at orihinal. Lima lang ang sangkap nito: laman ng baboy o manok, suka, asin, nawang at pamintang buo. Sinasangkutsa ang laman sa tubig hanggang mag matika ito. Babagsakan ng bawang na pinitpit at patuloy ang pag sangkutsa hanggang bumango ito; lagyan ng isang puswelong tubig, takpan at pakuluan ng dahan-dahan. Pag malapot ang sarsa ihango sa apoy at ilatag sa hapag. Ipinapares ng abang lingkod ito sa hiniwang kamatis.

***

mackoyv@gmail.com