Advertisers

Advertisers

Mayor Baste Duterte muling inupakan si PBBM…DIGONG: ADIK SI PBBM SA HEROIN!

0 32

Advertisers

MULING inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ito ay gumagamit ng droga.

Isinagawa nito ang akusasyon sa talumpati ng dating pangulo sa pagtitipon ng Partido ng Demokratiko Pilipino (PDP).

Ayon sa dating pangulo na dahil sa walang tigil na paggamit umano ni Pangulong Marcos ng heroin ay maaaring sa umabot pa ito sa edad na 80 subalit hindi na ito nakakagalaw o nananatiling nakahiga lamang.



Matatandaang hindi lamang ito ang unang pagkakataon na inakusahan ni Duterte si Marcos na gumagamit ng iligal na droga na itinanggi naman ng pangulo.

Mayor Baste Duterte muling inupakan si PBBM
BINATIKOS ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dinadala nito ang bansa pagiging abusadong gobyerno.

Ito ang naging laman ng talumpati niya sa proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Laban.

Sinabi nito na tila nauulit ang ginawang pang-aabuso sa kapangyarihan ng ama ng pangulo na si dating President Ferdinand Marcos Sr.

Imbes aniya na pasulong sa magandang pamumuno ay tila bumabalik sa mapangmalabis at mapang-abuso na pamamahala.



Una rito ay inakusahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pres. Marcos na gumagamit umano ng iligal na droga.