Advertisers

Advertisers

JPE NAGDIWANG NG IKA-101 KAARAWAN

0 14

Advertisers

BINATI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chief Presidential Legal Counsel Johnny Ponce Enrile sa kanyang ika-101 kaarawan ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Kasabay din nito ang pagpupugay ng Pangulo sa mahaba at kapuri-puring buhay ni JPE bilang isang statesman, legal luminary, at natatanging lingkod-bayan.

Ayon kay PBBM, hindi lamang nasaksihan ni Enrile ang kasaysayan, kundi aktibo rin niyang hinubog ito.



Sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod, ayon sa Pangulo, nakapangalap si Enrile ng malalim na karunungan at karanasan na bukas-palad niyang ibinabahagi sa mga lider ng bansa, kabilang na aniya siya.

Maliban dito, ipinahayag din ni Pangulong Marcos ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagseserbisyo ni Enrile bilang Chief Presidential Legal Counsel at binigyang-diin ang kahalagahan ng kanyang gabay sa administrasyon. (Gilbert Perdez)