Advertisers
IGINIIT ng National Bureau of Investigation (NBI) na may mga batayan ang kanilang pagsasampa ng kasong ‘inciting to sedition’ at ‘grave threats’ laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, binusisi ng limang abogado at isang dating hukom ang online press conference kungsaan pinagbantaan ni VP Sara ang buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Dagdag pa ni Santiago, ang mga inirekomendang kaso laban sa Bise Presidente ay may suporta rin ng iba’t ibang jurisprudence o mga naunang hatol ng mga hukuman.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng NBI Director na walang halong pulitika ang kanilang desisyon dahil nakabase ito sa mga detalyeng kanilang nakalap.
Mananatili aniyang apolitical ang ahensya at nilinaw na hindi nila pinakasuhan si VP Sara dahil siya ang pangalawang pangulo kundi dahil may ginawa itong maaaring mga labag sa batas.