Mayor Honey nag-gift-giving activity sa Home For Aged ngayong Valentines
Advertisers
GINUGOL ni MANILA Mayor Honey Lacuna ang Valentine’s Day sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pagmamahal sa kanyang mga nasasakupan sa pamamagitan ng gift-giving activity sa mga matatanda sa Home for the Aged, distribution ng financial assistance sa mga may sakit at pagbibigay ng libreng pangunahing serbisyo sa mga taga-Tondo sa pamamagitan ng Kalinga sa Maynila’ program.
Sinamahan si Lacuna, ni Vice Mayor Yul Servo, sa Valentine’s Gift Giving sa Home for the Aged—Luwalhati ng Maynila , Boystown, Marikina, na ginawa kasabay ng dental mission bilang paggunita sa pagdiriwang ng National Oral Health Month, kung saan pinasalamatan niya ang Manila Health Department-Dentists Association sa pagtulong sa kanya sa pagpapadama ng pagmamahal at pagkalinga sa elderly wards na nakatira sa nasabing city-run institution.
Samantala, ang “Kalinga sa Maynila: CITY HALL ON THE GO!,” ay isang egular program na nagkakaloob ng pangunahing serbisyo sa mga residente na ginawa sa kanto ng Pacheco at Sta. Maria Streets sa Tondo mula 7 a.m. onward.
Ang Valentine’s Day activity ay sakop ang mga barangays 59, 63, 65, 74 at 75.
Maliban sa mga pag-aalok ng mga trabaho mga unemployed, ang ‘Kalinga” ay nagbibigay din ng mga sumusunod na libreng serbisyo tulad ng probisyon sa pagpapalit ng IDs para sa persons with disablity, solo parents at senior citizens, free medical check-up. laboratory examination.
Kabilang din ang probisyon sa pagkuha ng birth certificate concerns, pet vaccination, free dental extraction/fluoride services, reading glasses, medicines, massage, haircut at TESDA training.
Isang araw bago ang ay Valentine’s Day, may kabuuang 240 residents na may cancer at sumasailalim sa dialysis dahil sa are kidney problems ay binigyan din ng financial assistance ni Lacuna sa isinagawang ‘People’s Day’ sa in Manila City Hall.
“Ang People’s Day ay isang programa kung saan ang mga Manileñong lumalapit sa ating tanggapan para sa kanilang mga pangangailangan tungkol sa kanilang karamdaman ay tinutugunan sa abot ng makakaya ng ating tanggapan,” saad nito. (ANDI GARCIA)