Advertisers

Advertisers

PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO, UNTI-UNTING INAANGAT NI PBBM

0 13

Advertisers

HINDI maitatanggi na isa sa mga pangunahing pangarap ng bawat Pilipino ay ang magkaroon ng mas maayos na pamumuhay—isang tahanan na may laman ang hapag-kainan, oportunidad para sa trabaho, at katiyakan na ang kanilang mga pangangailangan ay matutugunan.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., muling pinagtibay ang pangakong ito sa pamamagitan ng patuloy na pagbibigay ng state subsidies, pagtiyak sa abot-kayang pagkain, at paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pinoy.

Sa kanyang pagbisita sa Iloilo, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng mga hakbang na ito upang matulungan ang mga nangangailangan.



Aniya, “Sana po ay makatulong po itong aming ginagawa. Napakahalaga po para sa ating pamahalaan na iyong mga nangangailangan ng tulong ay mabibigyan ng tulong kaya po namin ginagawa ito.” Ang mga salitang ito ay hindi lamang pangako, kundi isang malinaw na pagpapakita ng malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Sinasabing isa sa mga hakbang ng administrasyon ay ang pag-organisa ng mga job fairs, pagtitiyak ng abot-kayang pagkain sa pamamagitan ng Kadiwa outlets, at pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang pagbibigay ng oportunidad sa trabaho ay naglalayong bigyang-kakayahan ang bawat Pilipino na makapagsarili at hindi na umasa lamang sa ayuda ng gobyerno.

Malaking tulong din ang mga hakbangin sa pagpapababa ng presyo ng bigas.

Sa kasalukuyan, kung hindi ako nagkakamali, maaaring makabili ang mga mamamayan ng bigas sa halagang P29 kada kilo sa mga Kadiwa outlets.



Isa itong patunay na ang gobyerno ay hindi lamang nakikinig sa hinaing ng taumbayan kundi aktibong kumikilos upang matugunan ang mga ito. Ang pagbaba ng maximum suggested retail price (MSRP) mula P55 patungong P49 kada kilo at ang pagbawas ng taripa sa rice import mula 30% patungong 15% ay patunay ng seryosong pagsisikap ng administrasyon na tugunan ang isyu ng food security.

Malinaw na nagpapakita ito ng direksyon ng administrasyong Marcos—isang pamahalaan na hindi lamang nangangako kundi kumikilos para sa kapakanan ng sambayanan. Sa kabila ng mga hamon, nananatili ang layuning maiahon ang pamumuhay ng bawat Pinoy.

Nawa’y magpatuloy ang pagsusumikap na ito upang hindi lamang makamtan ang pangarap na ginhawa kundi maramdaman din ng bawat Pilipino na ang gobyerno ay tunay na kasama nila sa bawat hakbang ng ating pagsulong.

Sa ganitong paraan, mabibigyang-buhay ang pangarap na “Bagong Pilipinas” na walang naiiwan at lahat ay may pantay na oportunidad sa pag-unlad.

***

Catch Gilbert Perdez’s “Barangay 882” radio show every Saturday from 4:00 PM to 5:00 PM. Tune in via ALIW Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 Facebook page, or DWIZ ON-DEMAND on YouTube. You can contact him via email at gil.playwright@gmail.com or through this number: 0991-3543676.