Advertisers
PUMALO na sa 112,593 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Martes, August 4.
Sa nasabing bilang 6,352 ang bagong kasong naitala kung saan umabot naman sa 44,429 ang aktibong mga kaso.
Ang mga resultang nakalap ay mga report na isinumte ng 80 mula sa 94 operational laboratories.
Karagdagang 240 naman ang naitala sa mga gumaling sa sakit kaya umabot na sa 66,049 ang bilang ng mga recoveries.
Habang 11 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kung saan umabot na rin sa 2,115 ang mga nasawi sa COVID-19.
Sa bagong karagdagang mga kaso na naitala ngayong araw, nasa 3,941 o 62% ang nangyari mula July hanggang August.
Ang top regions na may pinakamaraming kaso sa nagdaang dalawang linggo ay ang National Capital Region o NCR na may 1,826 o 46 %; Region4A, 981 o 24.9% at Region 3, 253 o 6.4%.
Sa 11 deaths, tig-1 o 9% ang nangyari ng May, June at August habang 8 o 73% noong July.
Mula naman sa Region 7 ang 5 o 45% ng mga nasawi; 2 o 18% sa Region 11; 2 o 18% sa Region 9; 1 o 9% sa Region4A at 1 o 9% din sa NCR.
Mayroon ding 89 duplicates na inalis sa total case count. Sa bilang na ito, 12 ang recovered cases ang tinanggal.
Ang case fatality rate ay 1.98 % habang ang positivity rate naman ay 9.55%. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)