Advertisers

Advertisers

Anim na parcel ng Kush naharang ng BOC

0 12

Advertisers

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya kontra sa ipinagbabawal na droga, naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na pinamumunuan ni District Collector Atty. Yasmin Mapa, ang anim na inbound parcels na naglalaman ng kush, isang high-grade strain ng marijuana, sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Ang parcels na nagmula sa Thailand at naka-consign sa iba’t-ibang recipients sa Pilipinas ay natuklasan ng BOC-NAIA sa isang routine inspection sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG). May kabuuang 3,231 grams ng kush. ang nakumpiska na may street value na P4,523,400.

Sinabi ni Dr. Mark Jhon Almase, Customs deputy collector for passenger services sa NAIA, na ang nasabing kinumpiskang iligal na droga ay tinurn- over na sa PDEA para sa mas malalim pang imbestigasyon at case build-up laban sa mga sangkot sa shipment, dahil sa posibleng paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) and Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).



Ayon kay Almase, sa ilalim ng liderato ni Atty. Mapa, ang BOC-NAIA ay patuloy na pinaghuhusay ang kanilang ‘screening and enforcement capabilities’ upang mahigpit na maipatupad ang monitoring ng mga high-risk shipments at pakikipagtulungan sa mga partner-agencies.

Sinabi naman ni Mapa na dahil sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.’ ukol sa ‘border security and public safety’, ang BOC ay nananatiling matatag at nakatutok sa kanilang misyon na maiwasan ang pagpasok ng iligal na droga sa bansa.

Sa panig naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, muli nitong binanggit ang pagiging mapagpatyag ng kanilang ahensya at sinabing:: “The Bureau of Customs remains relentless in its efforts to secure the country’s borders against illegal drugs which pose great risks to our countrymen’s health and safety.” (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)