Advertisers
Kinuwestyon ng isang abogado ang batayan ng korte na huwag itong padaluhin sa mga pagdinig na may kinalaman o kaugnay sa kinakaharap ng kaso ng kanyang kliyente.
Sa ginanap na pagdinig sa petition for bail ng prosecution hinggil sa Degamo slay case sa Manila Regional Trial Court Branch 51, sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, ang isa sa legal counsel ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., na may karapatang lahat na makinig at manood ng trial.
Ayon kay Topacio, nagmosyon ang prosecution ng Department of Justice (DOJ) na huwag siyang payagan na manatili sa loob ng korte nguni’t aniya nagpunta siya hindi bilang abogado kundi bilang miyembro ng publiko na tahasang pinapayagan ng Saligang Batas na manood ng kahit anong hearings.
Sinabi rin ni Topacio na karapatan ng kahit sinong mamamayan na pumasok sa hukuman at manood.
“I will be witnessing the trial because for some reason the presiding judge is orderred may exclusion, on the ground that I bring the media”, pahayag ni Topacio at idinagdag na sa iallim ng konstitusyon, ang lahat entitled sa public trial.
Isa pang dahilan bilang abogado ni Teves na isa sa akusado sa kaso na dapat unang-unang makasaksi at makapanood sa pagdinig. Pinaniniwalaan si Teves ng kanyang constituents na inosente at pinulitika lamang ito.
Napagbigyan naman ng Huwes si Topacio na manatili sa ginanap na pagdinig upang hindi na humaba pa ang argumento pero iginiit na siya ay naroon dahil pumayag ang korte kundi dahil karapatan ito na ibinibigay ng konstitusyon.
“Sabi ko maghahain ako ng isang mosyon para tanggalin nila ang pagbabawal sakin- para sakin , labag ito sa kostitusyon at rules of court dahil sinasabi, na lahat ng hukuman pampubliko, ‘open to the public’ para makinig,” giit ni Topacio.
Samantala, inihayag ni Topacio na may nakabinbin pa rin apela ang kanyang kliyente hinggil sa kanyang extradition case at pending na aplikasyon para sa kanyang political asylum sa Timor Leste.