Advertisers
Ni Archie Liao
NOONG nag-renew ng kontrata si Enrique Gil sa Kapamilya network, may mga proyekto nang inilaan at niluluto para sa kanya.
Gayunpaman, may mga tsikang di pa raw feel ng aktor ang gumawa ng serye.
Mas priority raw kasi nito ang pagpapayabong ng kanyang produksyon na dalawang movies na ang natapos na ang isa ay naging kalahok sa MMFF.
May mga espekulasyon din na mapili raw ang aktor sa pagtanggap ng roles.
Katunayan, tinanggihan daw nito ang isang serye na pagsasamahan sana nila ni Daniel Padilla.
Sa isang panayam naman, inamin ito ni Enrique pero idinenay naman niya na tinurn down niya ang proyekto dahil kay DJ.
Nagkataon lang daw na may binubuo silang konsepto para sa isang proyekto kaya nag-beg off siya.
In other words, nagkaroon ng conflict sa schedule.
May mga espekulasyon pang bet lang daw ng aktor na magbalik sa paggawa ng serye kung ang kanyang love team partner na si Liza Soberano ang kanyang makakapareha.
Kaso, imposible nga namang mangyari iyon dahil bukod sa focused ang dating dyowa sa Hollywood, matatandaang hindi rin naging maganda ang pakikipaghiwalay ni Liza sa kanyang dating home network kaya malabo rin ang posibilidad ng isang LizQuen project.
Recently, may mga lumutang namang balitang magsasama raw sa isang serye sina Kathryn Bernardo at Enrique.
Dahil daw sa phenomenonal success ng “Hello, Love, Again” ng Kathden, na-inspire raw si Quen to stage a TV comeback.
Ayon pa sa tweet ng isang birdie, pinaghahandaan daw ni Quen si Kath.
Nagpapa-kundisyon daw ito at nagpapapayat para maibalik ang katawan sa dating kundisyon.
Siyempre, kailangan nga namang maging yummy looking ang aktor para maging magnetic ang chemistry nila ni Kath.
Sey naman ng kibitzers, malaking challenge raw para kay Quen to step up sa level ni Kathryn sa kasalukuyan.
Siyempre, kailangan niyang patunayang kaya niyang dalhin ang tambalan nila ni Kath at hindi siya ang papasanin nito.
Well, with the right script and project, posible naman ang lahat.
After all, bago pa man ipinanganak ang KathNiel, si Enrique ang first love team partner ni Kath sa hit series na “Princess And I.”
After KathNiel at KathDen, may ibubuga rin ang tambalang KathQuen.
Kung matutuloy ito, ano kaya ang magiging reaksyon ni Liza lalo na’t nagpahayag siya na nag-uusap sila ni Quen for a possible collaboration?