Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
AYOS lamang sa Sparkle male artist na si Radson Flores kung matapos maging bida sa Voltes V: Legacy bilang si Mark Gordon ay kontrabida naman siya ngayon sa Prinsesa Ng City Jail bilang si Justin Lozano.
Hindi raw ito isyu.
“Oh, no, not at all,” bulalas ni Radson. “Kasi yung kay Mark Gordon medyo anti-hero din siya.
“Kumbaga mabait lang siya kasi nasa side siya ng humanity, pero masamang tao siya sa mga taong nakapaligid sa kanila.
“Kumbaga ginagawa niya yan talaga para mailigtas ang sarili niya pero in the end naman naging mabait siya.
“So compared dito kay Justin na yun nga, medyo weird e, weird yung moral chart ni Justin, so mahirap din kasi baka ma-spoil ko.”
Kasama ni Radson si Miguel Tanfelix sa Voltes V: Legacy dati at ngayon ay sabay nguni’t magkahiwalay silang may proyekto dahil si Miguel ay isa sa mga bida sa Mga Batang Riles.
“Sobrang proud ako sa brother ko, si Miguel.
“Napanood ko yung pilot episode nila kagabi actually, sobrang ganda niya.”
Nasa Voltes V: Legacy rin sina Ysabel Ortega, Raphael Landicho at Matt Lozano; nagkikita pa ba silang lima?
“Yeah, almost all that time talaga, until now.
“Parang two days ago lang magkausap kami nila Miguel sa call, mahilig kami kaming maglaro until now, maglaro ng mga video games.”
Napapapanood weekdays, 3:20 PM sa GMA Afternoon Prime, Ang Prinsesa Ng City Jail ay sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng kung saan bida sina Sofia Pablo bilang si Princess at Allen Ansay bilang si Xavier at tampok din sina Dominic Ochoa bilang Raymond, Denise Laurel bilang Divina, at Beauty Gonzalez bilang Sharlene.
Nasa serye rin sina Ayen Munji-Laurel bilang Leilani, Jean Saburit bilang Sonya, Keempee de Leon bilang Dado, Ina Feleo bilang Jenny at sina Will Ashley bilang Onse, Pauline Mendoza bilang Mimi, at Lauren King bilang Libby.
***
MAGKAPAREHA sina Michael Sager at Jillian Ward sa GMA series na My Ilonggo Girl.
Unang pagkakataon ito na magka-loveteam ang dalawa.
At dahil si Michael nga ang pinalad na mapili bilang leading man ni Jillian sa My Ilonggo Girl, hindi maiiwasan na may mga Sparkle male stars ang naiinggit o magagalit sa kanya.
Lalo pa nga at si Jillian ay prinsesa ng GMA at next-in- line na maging isa sa mga reyna ng Network.
“Hindi naman po maiiwasan kahit anong industry yan na may naiinggit. It’s hard, this showbiz thing, it’s difficult talaga po.
“But again, with the advice I was given before, I just want to be kind kahit galit sila sa akin. Why share the negativity when you can spread positivity,” lahad ng Sparkle male star na si Michael.
Bukod kina Michael at Jillian ay tampok sa My Ilonggo Girl sina Teresa Loyzaga, Arra San Agustin, Lianne Valentin, Arlene Muhlach at Mc. Carla Martinez.
Nasa serye rin sina Empoy Marquez, Yasser Marta, Richard Quan, Andrea del Rosario, Vince Maristela, Patricia Ismael, Yesh Burce, at ang mga Sparkle young stars na sina Sabreenika Santos at Geo Mhanna.
Sa direksyon ni Conrado Peru napapanood ang My Ilonggo Girl, Mondays through Thursdays, 9:35 p.m. sa GMA Prime, at sa GMA Pinoy TV abroad.