Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA kanyang naging panayam sa GMA Integrated News nitong Martes, February 11, inamin ni Gabbi Garcia na looking forward siya na mapanood si Barbie Forteza sa Pinoy Big Brother house.
Kaya niya nasabi ito, dahil nitong January 28 nang magkaroon ng contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa kanilang collaboration kung saan ilan sa mga Kapamilya at Kapuso artists ang papasok sa Bahay ni Kuya.
Noon namang Linggo, February 9, sa noontime show na “All Out Sundays”, ipinakilala si Gabbi bilang isa sa mga Kapuso hosts ng “Pinoy Big Brother” kasama ang Kapamilya hosts na sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo
“We always see Barbie’s primetime princess side as an actor. I’m pretty sure people wanna get to know her on a deeper level,” sabi ni Gabbi.
Kung sakali namang ang boyfriend ni Gabbi na si Khalil Ramos ang ipatawag sa loob ng bahay ni kuya ay okey lang yun sa aktres.
“Kung pinapatawag siya ni Kuya, wala tayong magagawa.”
Nagbigay naman siya ng payo para sa kanyang dyowa sakaling makasama ito sa “Pinoy Big Brother Collab”.
“Behave. Siguro more of, kasi he’s very introverted- just talk to people,” sey pa ni Gabbi.
***
ISA si Andrea Brillantes sa mga bagong cast members ng top-rating action drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Batang Quiapo.
Mixed emotions ang nararamdaman ni Andrea na napabilang siya sa nasabing serye.
“At first natuwa ako. Pero kinabahan din ako. It is a great opportunity for me as an actress but at the same time, alam ko kasi iba ang, may sariling flavor si Direk Coco.
“May sarili siyang timpla sa set kung paano ang script, alam naman natin kung paano walang script sa set ng Batang Quiapo. Of course, I took the opportunity, Im happy, excited but still nervous,” pahayag ni Andrea sa ulat ng ABS-CBN.
Dagdag chika pa ni Andrea, “I admit it. Talagang kinakabahan po ako yes, iniisip ko siya daily. Minsan five times a day, I think about it more than I eat pa nga, eh.
Pagpapatuloy pa niya, “Yun mga kasama ko po, sobrang bigatin nila. Nung una, super happy lang ako eh. Pero when I got there, may storycon, merong press, yung mga kasama ko sa seat, (sabi ko sa sarili ko), what am I even doing here?
“Pero nagtiwala sila sa akin, ibig sabihin naniniwala sila na meron akong ibubuga. So, kailangan ko, to live up to their expectations. I will try my very best,” anya pa.