Advertisers

Advertisers

Pamunuan ng MRT-3 tiniyak walang taas pasahe ngayong 2025

0 6

Advertisers

SINIGURO ng pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 na walang magiging pagtaas ng pasahe ngayong 2025.

Ito’y sa gitna ng kasalukuyang petisyon na magkaroon ng fare hike sa LRT.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon na sa ngayon ay walang petisyon ang MRT-3 para sa fare hike at wala silang nakikitang obligasyon para gawin ito.



Regulated na aniya ng Department of Transportation o DOTr ang fare increase kaya’t kung may petisyon sa taas pasahe ay dadaan ito sa DOTr Rail Regulatory Unit bilang bahagi ng proseso.

Dagdag pa ni Bongon na sakali mang magkaroon ng adjustment sa pasahe sa MRT ay maaari itong mangyari sa susunod na isa o dalawang taon pa.