Advertisers

Advertisers

Groundbreaking para sa pinakamalaking bodega ng gamot sa Maynila

0 19

Advertisers

NAG-GROUND BREAKING na ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa pinakamalaking LGU pharmacy warehouse.

Pinasalamatan ni Mayor Honey Lacuna si Congressman Benny Abante, Jr. (6th District) sa kanyang ginagawang pagtulong sa kanyang administrasyon na nag-o-operate sa kabila na nakasadlak ito sa utang na P17.8 billion na iniwan ni ex-mayor Isko Moreno.

Inanunsyo ng alkalde na ang partnership nila ng tanggapan Rep. Abante at Department of Health (DOH), ang lungsod ng Maynila ay magkakaroon ng pinakamalaking bodega ng gamot para magamit ng lokal na pamahalaan sa ginagawa nitong pagpa- prioritize sa health care.



Sinamahan sina Lacuna at Abante ,Jr. ni DOH Usec. Dr. Emmie Liza Perez-Chiong at Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan sa groundbreaking ceremony sa Isidro Mendoza Health Center construction site sa Pandacan.

“Aside from the initiation of the construction of the pharmacy warehouse, the construction of the newly improved Isidro Mendoza Health Center is another much awaited feat, with the completion expected around April 2025. Mas palalakasin pa po natin ang serbisyong pangkalusugan sa Maynila” pagtitiyak ng alkalde.

Bilang isang doktor, sinabi ni Lacuna na naiintindihan niya ng ang pangangailangan ng mga residente sa mura at accessible na mga gamot.

“Malaking bagay po sa akin ang usaping kalusugan kaya masaya akong ibalita na sinimulan na natin ngayong araw ang pagtatatag ng pinakamalaking pharmacy warehouse ng lungsod. Maraming salamat po kay Cong. Benny Abante Jr. at sa Department of Health sa kanilang suporta para maisakatuparan ito,” saad ni Lacuna.

Idinagdag pa ng alkalde na : “Kasabay nito, patuloy rin nating inaayos ang Isidro Mendoza Health Center para mas mapaglingkuran ang ating mga kababayan. Target natin itong matapos sa Abril 2025. Hindi natin ito magagawa nang mag-isa, pero basta sama-sama, kaya nating siguraduhin na walang Manileñong mapag-iiwanan pagdating sa kalusugan.” (ANDI GARCIA)