Advertisers

Advertisers

Dyowa ng anak, hinalay ni Daddy

0 13

Advertisers

Kulong ang 39-anyos na lalaki nang molestiyahin ang 14-anyos na high school student na nobya ng kanyang anak nang matulog sa kanilang bahay noong Lunes ng gabi sa Brgy 275, Binondo, Maynila.

Sa reklamo ni Ivy, di tunay na pangalan, estudyante ng Jose Abad Santos at taga-Parola, Binondo, Maynila kay PSSg Vanessa Javier, ng Women’s Desk ng Manila Police District -Police Station 12, nagising na lamang ito 2:00 ng madaling araw na nakakubabaw sa kanya ang suspek na si Dennis Alarcon.

Nabatid kay PLt. Ferdinand Omli, hepe ng Warrant Section ng MPD-PS 12 na nakitulog umano ang biktima sa bahay ng nobyo na anak ng suspek pero nagising siya na tatay nito at nakapatong sa kanya.



Nang makalabas ng bahay ang biktima, agad itong umuwi at nagsumbong sa kanyang mga magulang at nagreklamo sa PS 12.

At. 12:45 ng hapon nang maaresto nina PMSg Mart S Roque, PMSg Milven P Leyva, PMSg Narciso S Ignaco Jr at PCpl Allan I Juego ang suspek sa kanyang bahay.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 8353 (Rape), ang suspek sa Manila Prosecutors Office.