Advertisers
NAGTALA si Kyrie Irving ng season-high seven 3-pointers at umiskor ng 27 sa kanyang 42 points sa second half upang tulungan ang Dallas Mavericks na kastiguhin ang visitang Golden State Warriors 111-107 Miyerkules ng gabi.
Klay Thompson at Max Christie umiskor ng tig-17 points, habang si Brandon Williams nagdagdag ng 12 off the bench, at Naji Marshall may 10 para sa Dallas, na nagwagi ng tatlong beses sa kanilang huling four games. Irving ay 7 of 10 mula sa arko at may seven rebounds.
Curry pinamunuan ang Golden State sa iniskor na 25 points at eight assists. Butler may 21 points,nine rebounds at seven assists, Moses Moody at Gary Payton II umiskor ng tig-14 points off the bench,at Draymond Green nagdagdag ng 13 points.