Advertisers
Muntik nang hindi makaligtas ang isang desperadong lalaki makaraang magtangkang tumalon mula sa isang poste ng kuryente sa Navotas.
Tila pelikulang nagpalakpakan ang mga nakasaksi sa tangkang pagpapatiwakal ng lalaki , araw ng Miyerkoles sa M.Naval St.corner Rajah Baguinda St.Brgy. Daanghari, ng lungsod .
Ayon kay Navotas police chief PCol.Mario Cortes, napakalma at nakumbinsi ang lalaki na itigil ang kanyang balak na pagtalon dahil sa matiyagang pakikipag- negosasyon ni PCapt Ivan Rinquejo , SS2 commander na tumayong negotiator ng insidente.
Bumaba naman ng maayos at ligtas ang lalaki na ayon sa kanya ay buryong sa buhay.(Beth Samson)