Advertisers

Advertisers

Sey nyo DonBelle fans… Belle mas bagay kay Elijah kaysa Donny

0 8

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMI ang pinahanga nina Belle Mariano at Elijah Canlas ang viewers sa kanilang partisipasyon sa action-packed na teleseryeng “Incognito” na pinagbibidahan nina Daniel Padilla, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, MaThon, Kaila Estrada at Baron Geisler.
Kahit maikli lang ang kanilang roles sa pinag-uusapang teleserye ay nagmarka naman ang kanilang performances.

Katunayan, dahil sa ipinakitang galing ng dalawa, may shippers na nagpu-push na gawin silang loveteam o gawan ng proyekto.



Hirit pa ng ilang kibitzers, may tulog daw si Donny kay Elijah na bukod sa award-winning ay hindi na matatawaran ang versatility pagdating sa pag-arte.

Ito ang ilan sa komento ng kibitzers na nakapanood sa pagganap ng dalawa sa nabanggit na TV series.

“Elijah’s so versatile talaga. Ganoon din si Belle, ang galing nilang dalawa.”

“Saludo ako sa versatility ni Elijah. Kahit saan mo siya ilagay, kaya niya.”

“Actually bagay sila. Am rooting for them instead of DonBelle.”



“Pakakainin ni Elijah si Donny ng alikabok in the acting department.”

“Mismo. Siya iyong tipong effortless na mananapaw kahit di intensyong manapaw.”

“True. May ‘tulog’ si Donato kay Elijah. Magaling talaga siyang umarte at hindi iyong tipong pa-cute.”

“Silang dalawa lang among GenZ actors ang nakitaan ko ng malawak at versatile acting range.”

“Ang ganda ng portfolio ni Elijah. Sana maalagaan pa siya ng management at mabigyan pa siya ng roles that would showcase his potential.”

“Sana magkasama sila sa isang project, not necessarily as love team partners.”

“Bagay sila sa isang suspense/ mystery thriller. “

“Kung may clamor, why not?”

“I want them to be two of the lead stars in a teleserye or movie na heavy drama, no Donny muna please (but I don’t hate Donny ha). Ibang level ang acting chops nila Belle and Elijah!”

“If ever na magkaka-project sila. I think, susuportahan din sila ng DonBelle fans.”

“Mas bagay sila.”

“Belle and Elijah, why not coconut?”

“Actually, mas may lalim naman umarte si Elijah kay Donny.”

“Yes, he’s an award-winning actor although di ko bet iyong kontrabida role niya sa Probinsyano. Lakas maka-peke ng kanyang bigote.”

“it’s about time naman na ipareha si Belle sa iba.”

Ang DonBelle ay bahagi ng seryeng “How To Spot A Red Flag” na mapapanood sa isang online streaming platform samantalang si Elijah naman ay nababalitang nakipagbalikan sa kanyang ex na si Miles Ocampo na isa sa mga host ng long running noontime show na “Eat Bulaga.”