Pekeng FB account gamit ang pangalan ni Manila Mayor Honey Lacuna
Advertisers
ISA na namang pekeng media account ang umiikot sa social media gamit ang pangalan ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Dahil dito ay nagbabala ang alkalde sa publiko at humingi ng tulong sa media sa pagpapakalat ng imprmasyon na may isang poser Facebook account na gumagamit ng kanyang pangalan.
Sa isang text message sa mga miyembro ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), sinabi ng lady mayor na; “Para po sa kaalaman ng lahat, mayroon pong kumakalat na poser Facebook account na ginagamit ang aking pangalan at kinokopya ang aking mga posts para magmukhang ito ang aking page.”
Idinagdag pa niya na: “Kami po ay humihingi ng tulong na ma-ireport ang fake account na ito: www.facebook.com/jenny.basilonia.940.
Nais ko pong ipaalam sa inyo na ang aking official Facebook page ay ang http://www.facebook.com/DoktoraHoneyLacuna.
Nagbabala din ang lady mayor sa publiko na wag magpalinlang sa nasabing fake account at pinasalamatan din ang mga nag-ulat ng nasabing pangyayari sa kanya.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pineke ang Facebook account ng alkalde .
Noong Agosto nang nakaraang taon, ganito irn ang nangyari kung saan mismong ang spokesperson ni Lacuna na si Atty. Princess Abante ay naglabas pa ng Isang statement na nagsasaad ng ganito.: We ask the public to help report this unauthorized social media account impersonating the City Mayor.”
Sinabi ni Lacuna na ang Facebook page ng alkalde ay ginawa upang bigyan ng accurate at updated na impormasyon ang mga residente ng Maynila ng mga ginagawa ng kanyang administrasyon.
Ikinalulungkot ng alkalde ang ayon sa kanya ay panibagong pagtatangka upang iligaw ang publiko.
Maliban sa official Facebook account ni ‘Dra. Honey Lacuna,’ ang Isa pang lehitimong pagkukunan ng impormasyon tungkol sa Maynila ay ang ‘Manila Public Information Office or (MPIO) Facebook account, ayon kay Abante.
Mayroon ding regular na ‘The Capital Report’ si Lacuna kung saan niya tinatalakay ang mga wm major activities at programa na ginagawa ng kanyang administration. (ANDI GARCIA)