Advertisers
ISA sa sakit sa ulo ng Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos Jr., ay ang walang disiplinang Philippine National Police (PNP).
Ang ibang malalaking problema ay ang pang-aabuso droga kriminalidad at korapsyon.
Baka gusto ni Marcos na isa-isang bigyan ng solusyon in this order: mauna ang droga at kriminalidad, pangalawa ang korapsyon sa gobyerno, at pangatlo ay ang mga istupido at abusadong pulis.
Kung mabibigyan ng solusyon ang tatlong problema, President Marcos will become the best president this country has ever had.
Ang PNP ay isa sa mga pinakawalang disiplina na organisasyon ng pulisya sa buong mundo.
Karamihan ng pulis sa ating bansa ay may mentalidad na sila ang hari at dapat ay yumuko ang ordinaryong mamamayan kapag sila’y dumaan.
Ang akala ng mga pulis na ito na ang PNP motto, “to serve and protect,” ay walang isang magandang salita lamang which doesn’t apply to them dahil ang mamamayan ang dapat na manilbihan sa kanila.
They think they are above the law.
Nagtatakipan sila sa pagkakamali ng isa’t isa.
Ang akala ba ninyo ay hahantong sa crisis proportions ang problema sa droga sa bansa kung hindi pinagtatakpan ng mga pulis ang kanilang kasamahan na nagbebenta ng nakumpiskang droga o patong sa mga drug pushers at sugal?
Nitong nakaraang araw nasa 10 pulis, kasama ang station commander, mula sa Taguig City Police Sub-Station 5 ang na-relieve sa pwesto at nadisarmahan dahil sa kumalat na viral video na paghahain ng warrant of arrest sa isang ginang.
Nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng mga pulis at pamilya ng biktima na humantong sa sakitan bago umano dalhin ang ginang sa barangay.
Kita rin sa isang video ang pagtalon ng biktima sa back-to-back vehicle habang nakaposas ito.
Ayon kay Police Colonel Joey Goforth, Chief of Police ng Taguig City Police, nakuha ng mga pulis na pumasok sa bahay ng biktima ang pera na nagkakahalaga ng halos P80,000, tatlong cellphone, at isang tablet na mistulang “hulidap”.
Ngunit tanging mga gadgets lamang ang nabawi ng biktima.
Dagdag pa ng hepe, pagpapaliwanagin ang mga nasangkot na pulis sa Southern Police District kung saan maaring maharap ang mga ito sa patong-patong na kaso.
Samantala, sobrang takot naman ang naramdaman ng biktima at ang pamilya nito matapos ang insidente.
Ayon sa biktima nagawa niyang tumalon mula sa back-to-back vehicle ng pulisya dahil napansin niya na hindi ito huminto sa barangay.
Dagdag pa rito, humingi na umano ng tawad sa kanila ang mga abusadong pulis pero ayaw itong tanggapin ng kaniyang anak na lalaki. Dapat kasuhan nyo para hindi na tularan ng iba ang mga abusadong pulis. Dapat magpakitang gilas kay Pangulong Marcos si PNP Chief, Rommel Francisco Marbil kung totoo na wala itong sini-sino tanggalin sa serbisyo ang 10 pulis at kasuhan. Peryod!
Subaybayan natin!
***
Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.