Advertisers
HANDANG depensahan ng National University (NU) ang kanilang titulo sa men’s at women’s division kapag nagsimula na ang UAAP Season 87 collegiate volleyball tournament ngayong weekend sa Mall of Asia Arena.
Puntirya ni Bella Belen at iba pang Lady Bulldogs ang kanilang ikatlong championship sa apat na seasons laban sa De La Salle University Lady Spikers alas 3 ng hapon sa Linggo.
Samantala, ang Bulldogs, pakay ang pang limang sunod-sunod na titulo, kapag nakaharap ang Green Spikers alas 11 ng umaga.
Ang pinakakahintay na women’s match ay ang rematch ng Season 85 Finals, kung saan pinatalsik ng La Salle ang NU para angkinin ang championship.
Ang volleyball aksyon ay opisyal na magsisimula sa Sabado sa parehong Pasay venue, kung saan maglalaban ang last season’s runner-up University of Santo Tomas kontra Far Eastern University alas 3 ng hapon sa women;s division.
Ang kanilang men’s team ay mag renew rin ng kanilang rivalry alas 11 ng umaga.
Ang host school University of the Philippines ay makakalaban ang University of the University sa ibang women’s match 1 p.m. kasunod ang kanilang men’s duel alas 9 ng gabi.
Sa Linggo, Maghaharap ang Ateneo de Manila University at Adamson University sa women’s division 1 pm.