Advertisers
Viral sa social media ang dating kasintahan ni Karla Estrada nang bugbugin ang kasalukuyang girlfriend nito.
Ayon sa Facebook post ng kapatid ni Jellie Aw, na si Jo Aw na naganap ang pambubuog sa loob ng isang sasakyan, kung saan walang laban at hindi makatakas ang biktima sa ginagawang pananakit ni Jam Ignacio.
“Bigla na lang pinagsasapak, binugbog habang pauwi ang ate ko. Walang kalaban laban sa loob ng naka- lock na sasakyan, pahayag ng kapatid ni Aw.
*Una sa lahat kung ano man ginawa ng ate ko wala kang ni anong karapatan dampian ng kamay ‘yung ate ko. ang kapal naman ng mukha mo Jam,” dagdag nito.
“Ni hindi makahingi ng tulong ate ko dahil kunuha mo yung cellphone, Buti na lang hindi nabasa ‘yung RFID sa toll at nakasigaw ‘yung ate ko pag baba ng bintana at nakahingi ng tulong sa teller sa toll gate, ngayon tinakbuhan mo ‘yung mga pulis,” kuwento pa ng kapatid ni Aw.
Sinabi pa ng kapatid ni Aw na nakatakfa na silang magpapa-medical at mag-report sa pulis.