Advertisers

Advertisers

Tone-toneladang bigas sinalakay sa Bulacan

0 10

Advertisers

Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Agriculture (DA) ang isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan.

Sa nasabing operasyon, tumambad sa NBI at DA ang tone-toneladang sako ng bigas na hindi pa batid ang kabuuang halaga.



Napag-alaman na pinaghahalo umano nito ang mga lumang bigas at inilalagay sa bagong sako para magmukhang bago at ibinibenta sa merkado.

Diumano, ang rehistradong nagmamay-ari ng bodega ng Rice Milling at Rice Retailing sa Golden City, Taal, Bocaue Bulacan si Elizabeth Pineda base sa nakuha ng NBI at DA na sanitary permit at certification of annual inspection na inisyu ng munisipalidad ng Bocaue.

Samantala, Ipinagharap na ng NBI ng patung-patong na reklamo sa Department of Justice (DOJ)  ang apat na indibidwal na naaresto.

Ayon sa NBI, kabilng ang isang manager, dalawang cashier, at isang inventory officer ang ipinagharap ng reklamong hoarding, adulteration, profiteering, untruthful labeling, at economic sabotage, dahil tumangging pangalanan kung sino ang may-ari ng  RiceMilling at Roce Retailing sa Golden City ,Taal ,Bocaue.

Nitong Miyerkules ng umaga, nagtungo sa tanggapan ng Department of  Justice  ang NBI para sa paghahain ng reklamo.



(Jocelyn Domenden)