Advertisers
Largado na ang tinaguriang BLACK OPS o yung special ops dubbed as ” OPLAN DIGONG BOYS” isang demolition job” laban sa mga senatorial bets ng Duterte camp para sa May 2025 midterm elections.
Lahat ng walong (8) kandidato na kasapi at ini- endorso ng PDP LABAN ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay primary target ng Oplan na ito na umano’y pinondohan ng 3 bilyong piso ng ilang malalapit na kaalyado ng Malacanang at ng grupo ng mga mambabatas closely associated with House Speaker Martin Romualdez.
Ang pondo para sa demolition job na ito laban sa mga tinaguriang Duterte boys ay mula umano sa malalaking negosyo sa bansa na nilapitan at hiningian ng mga kilalang mambabatas na kaalyado ng administrasyon.
Isang umanong Cabinet Secretary na ang asawa at step son ay tumatakbo bilang gobernador at bise gobernador ng isang probinsiya sa Southern Luzon ang nasa forefront ng pagso- solicit ng bilyong pisong pondo para sa ” black ops” na ito laban sa mga kandidato ni FPRRD sa Senate race.
MEZTISONG EXTORTION ito ng mga galamay ng gobyernong ito.
Target ng Oplan Giba ( destroy) na ito ay sina reelectionist senators Christopher Lawrence
” Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa na kapwa pasok sa magic 12 sa mga latest surveys.
Kabilang din sa puntirya ng grupo ay sina Congressman Rodante Marcoleta,former Marcos Jr. Executive Secretary turned strong critic,Atty. Victor Rodriguez at KOJC founder-leader and Pastor Apollo Quiboloy.
Dito nakasentro sa limang indibidwal na ito ang bulto ng ” black propaganda” na may layong pasamain sa publiko ang imahe at pagkatao ng mga nabanggit na kandidatong senador.
Kabilang sa core group na pasok sa demolition jobs na nilatag na ito ay mga newspaper publishers/ editors,TV anchors at radio commentators and of course,vloggers na kabilang sa army trolls ng isang tinaguriang MADAM LIZA Satanashia.
Sina Go,DelaRosa,Quiboloy, Marcoleta at Rodriguez ay kabilang sa mga consistent frontrunners/ favorites sa mga naglalabasang surveys.
Kabilang sa plano ay ang pagsasabit kay Go at Dela Rosa sa EJK killings sa pamosong war on drugs ng nagdaang administrasyong Duterte at sa POGO operations.
Gaya ng ginawa kay Pastor Quiboloy,nakakahon na din umano ang ipapatong na gawa- gawang kaso laban naman kina Marcoleta at Rodriguez na may kinalaman sa moralidad at sa babae at iba pang mapanirang isyu.
Binayaran at sinuhulan na umano ang mga tatayong complainants laban kay Rodriguez at Marcoleta na ang script at storyline ay isang obra ng baliw na movie director.
Samantala,bukod sa ” BLACK OPS,lumutang din ang tila sapilitang panghihingi ng campaign donations ( extortion) mula sa ilang malaking korporasyon at kumpanya na pag- aari ng mga Filipino- Chinese businessmen na naka-base sa Chinatown sa Maynila at iba pang key cities sa Luzon at Kabisayaan.
Isa umanong nagpapakilalang special assistant ng isang Cabinet Secretary ang pasimuno sa raketang ito kung saan, pinupuwersang mag donate ng campaign contributions ang mga Fil- Chinese businessmen.
Minsan nang nabanggit ito sa media ni Teresita Ang- See,spokesperson ng Fil-Chinese community ngunit TILA nagtengang kawali lamang ang mga reporters at katakatakang inedit at nawala ang portion na binanggit ito ni See sa isang live ambush interview.
Lahat talaga ng mga pandaraya at kaparaanang vertical na nasa libro ay gagawin at gagamitin ng mga buwaya at ganid na ito ngayong halalan.
Maging alerto at mapagmatyag sana tayong lahat sa mga desperadong hakbang na ito ng mga demonyong urong ang bayag!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com