Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
FINALLY, umamin na rin si Ashley Ortega na jowa niya na si Mavy Legaspi.
Sa guesting kasi ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, diretsahan siyang tinanong ni Kuya Boy, kung may relasyon na nga ba sila ngayon ni Mavy.
At ang sagot ni Ashley”Yes! It’s obvious naman na.”
Ikinwento ni Ashley kung paano silang nagkakilala ni Mavy. Ayon sa kanya, meron silang common friends na ipinakilala sila sa isa’t isa. Pero last year lang sila nagsimulang mag-date.
“I think it started na parang there was a one night kasama ‘yung mga friends namin, so doon ko siya nakilala.
“Then nagtuluy-tuloy na. And then he asked me out if we can have lunch or dinner together just to get to know each other. Then, nagtuluy-tuloy na,” aniya pa.
Ilan sa mga qualities na nagustuhan ni Ashley kay Mavy ay ang pagiging thoughtful at generous nito.
“Hindi naman kasi ako magrandeng tao na kailangan ng flowers or surprises or whatsoever.
“Ano lang talaga, more on conversational lang talaga ako,” sey ng dalaga.
Agad namang nilinaw ni Ashley na pareho na silang single ni Mavy nang magsimula silang mag-date exclusively. Hiwalay na raw siya sa ex-boyfriend niyang politician na si Lucena City Mayor Mark Alcala at hiwalay na rin daw si Mavy kay Kyline Alcantara.
Kaya hindi raw totoo ang chika na siya ang dahilan ng breakup ng boyfriend at ni Kyline.
***
SA guesting din ng komedyanteng si Boobay sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin niya na hindi scripted ang bardagulan at talakan nila ng dating aktres na si Karen delos Reyes nang mag-guest ito sa isang episode noon ng Kapuso reality show na “Extra Challenge, na sila ni Marian Rivera ang hosts.
“Yes po Tito Boy, hindi ko rin ini-expect (ang away nila ni Karen),” ang pag-amin ni Boobay nang tanungin tungkol sa naturang eksena.
Sinadya raw talaga niyang maliin ang pagtawag sa apelyido ni Karen na ginawa niyang “delos Santos” sa halip na “delos Reyes.”
Nais lamang naman daw niyang biruin si Karen noon, na sumikat sa isang fast food commercial kung saan tinatawag ang aktres ng kanyang lolo na “Gina” sa halip na “Karen.”
“Ako tinray ko naman na i-feed siya sa apelyido naman, ang in-expect ko na sasabihin niya, ‘delos Reyes po’ (mahinahon ang pagkabigkas),” paliwanag ni Boobay.
Pero hindi nga ganu’n ang nangyari, sa halip napikon sa kanya si Karen at galit na isinigaw ang apelyido niyang “delos Reyes” bilang pagkokorek kay Boobay. Nauwi nga sa away ang eksena na talagang ipinakita sa naturang episode ng “Extra Challenge.”
Nang akmang magpipisikalan na ang dalawa ay umawat na mismo si Marian pati na ang ilang staff ng programa
“Sabi ko ‘Ay hindi ako papayag. Lalaban ako,’” sabi pa ni Boobay.