Advertisers

Advertisers

Pelikulang animasyon pero may puso

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MAGANDA, may haplos sa puso ang “Buffalo Kids”.

Cartoon ang nasabing pelikula pero may mga eksenang naluha kami dahil sa emosyon.



Nagamit namin ang bandana na ipinamigay bago simulan ang pelikula.

At during the premiere night ng “Buffalo Kids”, na-happy rin kami dahil muli naming nakita at nabeso ang butihing ina ng mister ni Sylvia Sanchez na si Art Atayde, si Mamita Pilar, pati na rin ang bunsong anak nina Art at Sylvia na si Xavi at ang kapatid ni Art na si Mon na medyo matagal naming hindi nakita.

Going back to “Buffalo Kids,” kuwento ito ng magkapatid, ng pamilya sa kabuuan, at ng mga magkakaibigan, tao at hayop.

Naiintindihan na namin si Sylvia kung bakit napili ng produksyon nilang Nathan Studios na dalhin sa Pilipinas ang pelikula.

Maganda ang Buffalo Kids, may puso, at kumpleto.



May drama, comedy, romance suspense at action.

At ang animation, napakalinaw, napakalinis!

Aakalain mo na live action film ang pinapanood mo at hindi animation.

At kahit cartoon siya, hindi lamang siya pambata, lahat ng edad, lahat ng gender ay makaka-relate sa pelikula.

Magandang Valentine movie date ang Buffalo Kids na palabas na ngayon sa mga sinehan simula February 12.

Puwede sa buong pamilya, magkakabarkada, at mga magkasintahan.

Iba talaga ang mga mata at panlasa ni Sylvia, kapag may napanood o nakita siya at nagandahan siya, tiyak na maganda.

At take note, dahil sa Buffalo Kids ay lumikha ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang pinaka-unang Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas!

Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t ibang genres — mapa-aksyon, comedy, drama, at marami pang iba — sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa Buffalo Kids. Aligned ito sa misyon ng studio sa paggawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films.

Sa direksyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksyon ni Pedro Solis, ang Buffalo Kids ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo.

Tampok sa Buffalo Kids sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham. Sumikat ito matapos itong ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival nuong June 2024 at mabilis na naging paborito sa Europe at Asia.

At gaya ng sabi nila sa socmed kamakailan, “We’re going on a wild adventure! Heroes and villains! Buffalos in the middle of nowhere! And special friends along the way.”

Sana ay marami pang ganitong klase ng pelikula ang dadalhin ni Sylvia at ng Nathan Studios sa Pilipinas, kailangan pa natin ng ganitong makabuluhan at nakakaaliw na panoorin sa mga sinehan.