Advertisers
Nanatiling pasok sa Magic 12 ang karamihan sa Senatorial Candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa latest Pulse Asia Senatorial Survey.
Kung saan isa sa nangunguna si Senador Ramon Bong Revilla Jr kung saan nagpasalamat ito na pumuwesto siya sa pang apat hanggang pang walong pwesto na nakakuha ng 46 percent .
Nanguna naman si Act CIS Party List Representative Erwin Tulfo
Pangalawa hanggang pangatlong pwesto si Senador Christopher Bong Go na 50.4 percent.
Pangalawa hanggang pang apat na pwesto si dating Senador Vicente Tito Sotto III na 50.2 percent
Pangatlo hanggang pangwalong pwesto naman si Ben Tulfo na nakakuha ng 46.2 percent
Pang apat hanggang pangwalong pwesto si Senadora Pia Cayetano na 46.1 percent
Pang apat hanggang pang labing dalawang pwesto naman si Senadora Imee Marcos na 43.3 percent
Pang apat hanggang pang labing dalawang pwesto din si dating Senador Panfilo Ping Lacson na 42.4 percent
Pang pito hanggang pang labing tatlong pwesto ay si Willie Revillame na 41.9 percent
Sumunod ay si Ronald Bato Dela Rosa na pang pito hanggang panglabing apat na pwesto na nakakuha ng 41.2 percent
Pang pito hanggang pang labing apat na pwesto din si Makati Mayor Abegial Binay na 41.1 percent.
Pang pito hanggang pang labing apat na pwesto rin si dating Senador Manny Pacquiao na 40.6 percent
Congresswoman Camille Villar na nakakuha ng pang siyang hanggang panglabing apat na pwesto na 38.4 percent.
Sumunod si Senador Lito Lapid na pang sampu hanggang pang labing apat na pwesto na nakakuha ng 37.7 percent.