Advertisers
MAHIGPIT na nagpaalala si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa mga kumakan-didato na huwag kalimutan ang kanilang obliga-syon sa buwis ngayong nagsimula na ang campaign period.
Pahayag ni Commissioner Lumagui, dapat mag-isyu ng resibo ang mga kandidato para sa lahat ng matatanggap na donasyon, campaign materials, at iba pang gastusin.
Dapat din itong mag-withhold ng tax sa mga supplier sa campaign posters at advertisement.
Ang hindi pagsunod dito ay maituturing aniyang paglabag sa tax code.
Ayon pa kay Lumagui, nakatutok din sila maging sa tax complaince ng mga social media influencer na mag-eendorso ng mga kandidato sa eleksyon.