Advertisers

Advertisers

1Munti Partylist, mainit na tinanggap ng mga Malabonians

0 59

Advertisers

Binisita ng #121, 1Munti Partylist ang Malabon central market sa Sevilla st, Malabon city upang makapanayam at alamin ang kalagayan ng mga vendors sa naturang lugar.

Mainit ang naging pantanggap ng mga Malabonians sina Atty. Raffy Garcia, Debs Bartolo, at Coco Yoro na siyang mga nominado sa #121 1Munti Partylist.

Ipinahayag ni Atty. Garcia, na layunin ng 1Munti Partylist ang iangat ang antas ng bawat batang Pilipino tungo sa pagiging produktibo, positibo, at makabuluhang bahagi ng lipunan.

Nagsusulong ang 1Munti Partylist ng pangkalahatang programa ng pagsuporta sa mga batang Pilipino mula sa sinapupunan hanggang sa paghahanapbuhay bilang pagsiguro ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng bansa.

“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at suporta ng ating mga Ka-1Munti dito sa Malabon City,” pahayag ni Atty. Garcia.

“Ang boto mo para sa 1Munti Partylist, boto para sa kinabukasan ng mga Batang Juan,” wika ni  Bartolo.

Batang Juan, Ikaw ang Number 1 sa 1Munti Partylist.(Beth Samson)