Advertisers

Advertisers

NBI AT DA SINALAKAY ANG WAREHOUSE NA ILEGAL NA NAG-IIMBAK NG MGA BIGAS SA BULACAN

0 69

Advertisers

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Department of Agriculture (DA) ang isang bodega ng bigas sa Bocaue, Bulacan na nadiskubreng ilegal na nag-iimbak ng mga bigas,napag-alaman sa ulat kahapon.

Arestado ang manager, dalawang cashier, at inventory officer ng bodega na tumangging pangalanan kung sino ang may-ari ng naturang warehouse. Sasampahan sila ng mga reklamong hoarding, adulteration, profiteering, untruthful labeling, at economic sabotage.

Ayon kay NBI Director ret. Judge Jaime Santiago, pinaghahalo-halo umano nila ang mga luma at iba-ibang klase ng bigas at saka ibinibenta sa merkado sa mas mataas na presyo.



Sinabi ni Santiago na niloloko nila ang mamamayan dahil pinaghalo-halo nila ‘yung variety ng bigas tapos lalagyan ng konting pabango, pandan, ipa-pass on na nila as mamahaling bigas o Class A na bigas.

“Talagang alikabok na, puro ano na ‘yung mga sako. Clear manifestation of hoarding,” dagdag niya.

Aniya, tumambad sa kanila ang sako-sakong bigas na galing umano sa iba-ibang bansa.

Nakalagay pa ito sa isang makina kung saan ginagawa ang paghahalo at pagkatapos ay ilalagay sa mga bagong sako.

Napag-alaman kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Special Task Force (STF) na ang mga bigas ay meron umanong galing Vietnam, may galing sa Pakistan, sa India. Nang suriin ng mga awtoridad ang kanilang makina, nandun naka-mount ‘yung iba-ibang variety ng bigas kung saan ang pinakaresulta itong coco pandan na premium rice.



Makikipag-ugnayan naman ang NBI sa lokal na pamahalaan ng Bocaue, Bulacan para matunton at mapanagot ang may-ari nang sinalakay na bodega. (JOJO SADIWA)