Advertisers

Advertisers

Mahigit 2K na trabaho para sa mga jobless Manileños inanunsyo ni Mayor Honey

0 12

Advertisers

MAGANDANG Balita para sa mga jobless Manileños.

INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na mahigit 2,000 job vacancies ang nakalatag para sa jobless Manileños at ito ay sa gaganapin na panibagong job fair sa Miyerkules, February 12, 2025.

Ang mga trabahong naghihintay ay puwede sa mga high school graduates, college level maging sa mga college at tech/voc graduates.



Sinabi ni Lacuna na ang nasabing job fair ay gagawin sa pamamahala ng Public Employment Service Office – City of Manila sa ilalim ni Fernan Bermejo, at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment – National Capital Region at ng DOLE-NCR Manila Field Office.

Tinawag na, “KALINGA SA MAYNILA PESO JOB FAIR,” ito ay gaganapin dakong alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa panulukan ng Eden at Pedro Gil Streets , Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Bermejo, pinapayuhan ang lahat ng aplikante na dapat na naka- casual attire magdala ng 10 kopya ng resumes, may sariling ballpens at sumusunod sa public health protocols.

Tiniyak naman ng lady mayor na sa ilalim ng kanyang administrasyon, ang probisyon sa pagkakaroon ng trabaho para sa mga unemployed ay tuloy-tuloy na programa sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga job fairs ng regular.

Sinabi pa nito na sa nasabing job fairs, karaniwan na umuuwi ang mga aplikante nang mayroon ng tiyak na papasukang, dahil madalas na sila ay hired on the spot (HOTS). (ANDI GARCIA)