Advertisers

Advertisers

EX-POLICE GENERAL SA 990 KILOS SHABU SUMUKO!

0 30

Advertisers




Sumuko sa Criminil Investigation and Detection Group  (CIDG) ang isa sa dalawang General na Kabilang sa 29 na mga pulis na kinasuhan kaugnay ng sabwatan at pagtatakipan sa nasamsam na 990 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P6.9 Billion sa isinagawang operation sa Manila noong 2022.

Ayon kay BGen Jean Fajardo, PNP spokesperson, sumuko  si dating PNP Deput Chief operation LT Gen Benjamin Santos ng isilbi ng mga elemento ng CIDG  ang warrant of arrest na ipinalabas ng Manila  Regional Trial Court Branch 44 sa kasong paglabag sa Section 92, RA 9165 (Bungling in the Prosecution of Drug Cases) nang dumating ito sa Bansa sa Ninoy Aquino International Airport 1, 4:48 ng umaga.

Isinailalim si Santos sa booking process at pagkuha mugshot kung saan naroon ang kanyang abogado at pagkatapos ng booking procedures ay dumiretso sila kasama ang elemento ng CIDG sa RTC 44 ng RTC Manila.

Sinabi ni Fajardo na nagpiysnsa si Santos ng P200,000 na inirekomenda ng korte sa kasong paglabag sa Sec 91 ng RA 9165 (bugling in the Prosecution).

Isinaad ni Fajardo na 7  mga pulis kabilang si BGen Narsico Domingo mula sa 29 na mga kinasuhan ang patuloy na  ginagawang pinaghahanap.

 Hinikayat ni Fajardo si Domingo at iba pang mga nasasangkot na pulis na sumuko at harapin na lamang ang kasong isinampa laban sa kanila. (Mark Obleada)