Advertisers
Naaresto ng mga operatiba ng Malabon City Police Station (MCPS) Sub-Station 1, na may koordinasyon sa Northern Police District District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU), ang isang akusado. Kinilala ni Malabon police chief PCol.Jay Baybayan ang suspek na isang construction worker at residente ng Barangay Tonsuya, Malabon City. Sa bisa ng warrant of arrest, napasakamay ng pulisya ang 20-anyos na nasa loob ng MCPS Custodial Facility Unit na matatagpuan sa Barangay Catmon, Malabon City, araw ng Lunes. Naaresto.ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) sa ilalim ng Criminal Case Number 127743 na inisyu ni Honorable Ma. Rowena Violago Alejandria, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 121, Caloocan City na may inirekomendang pyansa na PHP 300,000.00. Sa beripikasyong isinagawa ng pulisya, ang naarestong suspek ay gumagamit ng alyas at nakulong sa kasong theft at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6. (Beth Samson)