Advertisers

Advertisers

Coun. Alfred nanega sa mga komento; John nagmura sa show ni Kuya Boy

0 21

Advertisers

Ni Jimi Escala

MARAMI ang nagreak at kung anu-anong negatibong komento mula sa netizens sa aktor at Q.C.district V councilor Alfred Vargas.

Ito ay kaugnay sa pahayag ng mambabatas tungkol sa istilo ng mga kalaban niya sa pangangampanya, huh!



Maski ang kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz ay napareak sa kumakalat na video ng re-electionistang kunsehal ng ikalimang diatrito ng Quezon City.

Gustong palinawin ni Ogie si Coun. Alfred sa isyu ng klase ng pamumulitika nila.

Sa Facebook post ni Ogie at sa naturang video na ibinahagi naman ng “Kilusan Kontra Korapsiyon” ay pinuna ng mga ito ang klase ng sinasabing pangangampanya umano ni Alfred.huh!

Sa caption pa lang ng naturang video ay nakasulat na:

“GANITO ANG MAGKAPATID NA VARGAS KUNG PAANO MANG ALIPUSTA NG TAO KUNG KAYA NILA GAWIN SA IBA



KAYA DIN NILA GAWIN SA INYO,”

Sa isang pagtitipon kasi ay binanggit ni Alfred ang ganito na parinig sa kalaban nila ng kapatid niyang tumatakbong congressman.

“Matikas ‘di ba? Iyan ang gusto natin. Kasi kami, halimbawa, kami ni Cong. PM, ‘pag namimili kami ng amin, pinipili namin ‘yong magaganda at guwapo. Tapos kung titingnan ninyo, ‘yong mga nakaupong leaders ng mga kalaban namin, mukhang adik.”

“Hindi, totoo ‘di ba? Saka puro may mga utang, mga nag-uuutang tapos hindi nagbabayad!”

Sabi pa niya sa isang kausap na “colonel” ay tila marami raw silang ikukulong na “adik” sa kabila, “ sey pa ni Alfred, huh!

Kaya naman gustong linawin ni Ogie si Alfred hinggil dito, huh!

Puro negatibo ang mga comment kay Alfred. Tanong pa ng netizenz kung bakit daw dumating na ang aktor pulitiko sa ganitong point ng pamumulitika?

Kumbaga hindi raw naman ganito si Alfred, huh!

Narito ang ilang reaksiyon at komento ng mga netizens na halos karamihan pa naman ay mga constituents ni Coun. Alfred, huh!

“Nakakahiya naman sa mga magkakaibang mga leader. ikaw na mismo na konsehal ang nang aalipusta sa mga leaders na yan, konsi sa sobrang taas mo masakit kapag lumagapak ka.”

“Nakakahiya naman sa inyo magkapatid kung mga adik kame Ano pa kayo MAGNANAKAW Ng Distrito Singko Hinay hinay Sa Pag sasalita Baka Bumalik sa inyo yan!!”

“Wow hiyang hiya nman sa adik na leader! ano pa kaya yang kagat kagat labi mo alfred hahaha may something kaden ba hahahaha. wag mapang husga hnd porket hnd pumabor sainyo yung mga tao eh lalaitin at ijujudge nyona!!! asan ang manners!”

“Awit sayo Konsi! May mga kaibigan din ho kami leaders nyo, pero ni minsan wala ho kami away. Dahil sa ginawa nyo magkakaroon nang ‘GAP’ mahal namin ang kaibigan namin magkaiba man kami nang sinusuportahan nandun ang respeto namin sa bawat isa.”

For sure may reaksiyon si Coun. Alfred hinggil dito dahil sa mga kagaya naming kilalang kilala ang isang Alfred Vargas ay hindi niya istilo ito, huh!

***

WALANG naging isyu sa MTRCB ang pagmumura ng aktor na si John Arcilla sa guesting nito sa Fast Talk With Boy Abunda.

May pinagawang eksena kasi si Kuya Boy kay John at pinaarte siya gamit ang iba’t ibang emosyon.

Nang kunwari galit na galit, hindi napigilan ni John na makapagsalita ng “punyeta!”

Siyempre sa kabiglaan din agad namang nag-sorry si Kuya Boy at nakalimutan yata ni John live pala ‘yun.

Pinalagpas na raw ‘yun ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio.

Kumbaga, naunawaan daw ng ahensiya ang pagkakataon na yun.

Pero sa totoo lang may ilang shows na rin naman na ipinatawag ng MTRCB dahil sa paglabag sa ilang maseselang eksena, huh!