Advertisers

Advertisers

Swedish girl na rason ng hiwalayang Andi-Philmar nagsalita na; LizQuen balik-serye

0 58

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

UMALMA at nagsalita na ang Swedish girl bestfriend ni Philmar Alipayo na si Pernilla Sjoö. Siya ang itinuturong third party sa hiwalayan umano sa pagitan ng surfer at ni Andi Eigenmann.

Maaalalang naging usap-usapan si Pernilla matapos niyang iflex sa social media ang matching “224” tattoos nila ni Philmar na ang ibig sabihin ay “Today, Tomorrow, Forever.”



Sinundan yan ng mga posts ni Andi patungkol sa isang kaibigan na inahas siya.

Walang binanggit na pangalan si Andi, pero very obvious na si Pernilla ang kanyang tinutukoy dahil nga sa nabanggit na couple tattoo.

Dahil diyan, nag-react na si Pernilla sa isyu sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Sabado, February 8.
Ang iginiit pa niya ay tao lamang siya na nasasaktan din.

“I just don’t understand why some people have so much hate in their minds and bodies. I hope that if you ever make a hurtful comment, you can still sleep peacefully at night and smile knowing you’ve caused someone pain,” sey niya sa IG post.

Dagdag pa niya “I’m still human din naman. I still feel hurt, and when it’s too much, it cuts deep.”



Apela pa niya sa netizens na sana raw ay maging “kinder” sa isa’t isa at huwag humusga na hindi pa nalalaman ang buong istorya.

“I hope you never become the reason someone cries themselves to sleep or questions their worth — asking why they weren’t good enough,” caption niya

Aniya pa, “You may think you understand, but you don’t.”

Naka-private na ang IG account ni Pernilla at hindi na makita ang kanyang posts dahil na rin sa dami ng netizens na nagba-bash sa kanya.

Magugunitang sunud-sunod ang mga pasabog ni Andi hinggil sa estado ng relasyon nila ni Philmar at napansin na rin mg netizens na in-unfollow nila ang isa’t isa sa IG.

Base sa mga posts ng celebrity mom, ang ikinagalit niya ay ‘yung pagpapa-couple tattoo ng surfer at ‘nung bestfriend nitong babae na hindi man lang siya kinunsulta.

Gayunpaman, nilinaw ni Andi na hindi nag-cheat sa kanya si Philmar, kundi ang nasabing dayuhang babae ang nagtaksil sa kanya.
Isa pa magkaibigan na raw kasi si Philmar st ang dayuhan bago pa siya dumating sa buhay ng partner.

Sinubukan rin daw ng dating aktres na mag-reach out sa kaibigan ni Philmar para sa paliwanag, ngunit mas pinili nitong huwag siyang pansinin.

Sina Andi at Philmar ay na-engage noong 2020 at ikakasal na sana last year, ngunit biglang pumanaw ang ina nitong si Jaclyn Jose kaya hindi ito natuloy.

***

TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga nina Liza Soberano at Enrique Gil na kilala rin sa tawag na LizQuen dahil sa isang interview ni Liza ay kinumpirma niya na muli silang magsasama sa isang teleserye ng dating boyfriend at ka-loveteam.

Pero yun nga lang, hindi pa this year kundi sa susunod na taon pa o sa year 2027 pa.

Ang gusto kasi ni Liza kung muli siyang gagawa ng serye ay mapaghandaan itong mabuti. At yung kakaiba sa mga nauna nilang ginawang serye ni Enriqu.

Kumbaga, iba ang genre.

Matatandaan na ang huling serye na ginawa ng LizQuen ay yung Make It With You noong 2020 pa. Hindi nga lang nila ito tinapos dahil sa pandemic. Natatakot sila na lumabas para magtaping, dahil kasagsagan noon ng COVID 19.